EL2x29's Reading List
1 story
LEL 6: Rasheed Isaac Silvestre a.k.a. Krypton by NaturalC
NaturalC
  • WpView
    Reads 5,479
  • WpVote
    Votes 557
  • WpPart
    Parts 33
Unang nakilala ni Krypton ang trese-anyos na si Vastia sa isang komplikadong sitwasyon. Bihag siya. Kaanib ito ng mga teroristang nakahuli sa kanya. Para makatakas, tinulungan siya ng dalagita. Nakatakas nga siya pero ito naman ang napahamak. Inakala niyang namatay ito sa nangyaring pagsabog sa kuta ng mga Africano. Pagkalipas ng labing-dalawang taon, isang babae sa airport ang na-encounter niya na nagde-defuse ng isang bomba sa loob mismo ng eroplano. Nalaman niyang isa itong Scrap at nasa linya ito ng ganoong trabaho. Ang hindi niya inaasahan ay ang muling pagkikita nila sa mismong kuta ng kalaban. Muli ay bihag siya at ito ang bantay niya. Pero paano niya ba ito ituturing na kaaway kung hindi iyon ang nakikita niya sa dalaga? Di matatawaran ang concern na ipinamalas nito sa kanya. Nag-alok pa ng tulong na patatakasin sila ng babaeng pakay niya sa grupo-isang babaeng naging malalim ang kaugnayan sa kanya. He was torn between the woman who wanted him dead and the woman wanted him to stay alive. Kahit na gusto niyang alisin sa poder ng Black Society si Liberty, hindi niya naman maiwan ang babaeng nakilala niya sa pangalang Tia. Paano kung malaman niyang si Tia at ang dalagitang si Vastia na nagligtas sa kanya sa Kenya ay iisa? Subalit hindi siya kinatigan ng tadhana dahil nang malaman niya 'yon, naghihingalo na ang duguang dalaga sa mga bisig niya. At ang bumaril dito ay walang iba kundi si Liberty. Paano niya tatanggapin 'yon? Magiging huli na ba ang lahat bago niya pa mapagtanto ang tunay na damdamin niya? Muli ba siyang mabibigo at kukunin sa kanya ang babaeng ilang beses na nagligtas sa kanyang buhay? Sa tingin ni Krypton ay hindi niya na 'yon kakayanin pa...