babietheia
Isang mahabang lakaran na naman ang nakikita ko, yung totoo, The Adventures of Zarine ba talaga 'to? Parang kanina lang ay stressed ako sa research namin ha.
Naglakad-lakad ako, buti nalang at nakakain na 'ko kahit papano. All thanks to Jacques talaga at nakasalubong ko siya.
Ipinagpatuloy ko ang paglalakad ko. Jusko naman, kagagaling ko lang sa lakaran, puro lakad ba talaga dito? Ano'ng klaseng lugar ba 'to? Wala pa rin akong naaaninag na kahit ano, isang mahabang daan lang.
"Niloloko ata ako nung Jacques na 'yun ah?" Mahinang bulong ko sa sarili.
Lumiko ako ng daan dahil nakakita ako ng isang sapa, mukha namang malinis kaya't uminom muna ako ng tubig galing dito. Nauuhaw na talaga ako dahil kanina pa 'ko naglalakad.
Kumunot ang noo ko nang makita ang isang siyudad. Well, hindi naman malayong magkaroon ng siyudad, pero nasa'n ako ngayon? Omg. Baka nakalabas na ako?! Dali-dali akong tumakbo papunta sa isang siyudad na nakita ko.
Napahinto ako sa pagtakbo, "N-nasan ako?" Naibulong ko na lamang sa aking sarili.
Hindi ko maiwasang humanga sa mga nakikita ko. Isa itong napaka-unlad na siyudad, may ganito pa ba sa Pilipinas? Parang nasa ibang bansa ako.
"Anong lugar ito?" Tanong ko sa nakasalubong kong babae.
Napakunot ang noo nito.
"Ito ang mundo ng Maulgard." Sagot nito at umalis na.
"M-maulgard? Nasa mapa ba yan? Muhkang hindi talaga ako nakikinig sa guro ko sa Kasaysayan." Napapa iling na saad ko.