Jilib480
- Reads 47,412
- Votes 545
- Parts 12
Nagsimulang magbago ang buhay ni Li Xiaolong nang lumikha ng kaguluhan ang Sky Flame Kingdom tungkol sa kanyang angkan (Li Clan). Masasabing isa ang pamilya niya na nakatira sa isang mahirap na angkan ng Li. Ang paghihirap sa mismong angkan nila ay nangangahulugan din na apektado sila at ang iba pang mga maliliit na mga pamilya.
Sa mahirap na sitwasyon ni Li Xiaolong, makakagawa ba talaga siya ng milagro upang mabago ang kapalaran ng angkan niya? Ang paghahanap ng solusyon ay napakailap para sa kaniya-parang nangingisda siya sa malawak na dagat ngunit walang kahit isang lamang-dagat na nakukuha. Talaga bang nakatadhana na ang pagkawasak ng Li Clan o makakahanap ba sila ng pagmumulan ng lakas upang magpatuloy na mabuhay sa malupit na mundong ito ng cultivation world?
Para makahanap ng paraan para lumakas, binalak ni Li Xiaolong na pumunta sa isa sa mga ipinagbabawal na lugar na daan-daang kilometro ang layo mula sa kanilang kaharian.
Ito ay walang iba kundi ang Red Cloud Sea- isang baybaying lugar sakop ng Dou City na pinaniniwalang pinagbagsakan ng isang napaslang na imortal.
Upang maisakatuparan ni Li Xiaolong ang kaniyang mga mabubuting pinaplano, siya ay naghahanap at handang makipagkumpitensya sa mas malalakas na mga eksperto na mayroong nagtataasang mga lebel ng cultivation.
Kasabay ng kanyang paglalakbay, maraming hindi mabilang na kalaban lalo na ang mga mababangis na mga halimaw ang makakalaban niya. Kahit sa musmos nitong edad, alam niyang Ito ay laban ng buhay at kamatayan.
Mababago ba talaga niya ang kanyang sariling kapalaran lalong-lalo na ang mismong angkan niya? O ang masamang kapalaran ang naghihintay sa paglalakbay niyang ito na walang iba kundi ang sariling kamatayan?