vhan86
Sino ba ang ayaw na matagpuan ang one true love nila? Kahit pa siguro ang pinaka-allergic sa salitang love ay magbabago ang paniniwala kapag nakilala na ang taong nakatadhana sa kanila. Hindi na naiiba si Veronica roon. Subalit mas naniniwala kasi siya sa kasabihang, "Kung darating ang taong nakatadhana para sa'yo, darating na lang iyon sa tamang panahon at sa tamang pagkakataon."
Pero paano kung dumating na pala ang nakatadhana sa'yo? Hindi mo lang nakita dahil hindi ka pa rin pala nakaka-move on sa first love mo? Ano ng gagawin ni Veronica ngayon?