shlisara
- Leituras 137,413
- Votos 6,085
- Capítulos 43
Kapag mahina ka, binibigyan mo ang mga tao ng kapangyarihan na talunin ka. Gano'n si Shanelle Ramirez. Walang laban, uto-uto, at mas tinitingnan ang natitirang busilak sa gitna ng mga masasamang budhi. Kaya noong ipinaunlakan siya ng pagkakaibigan nina Dawn, Kylie, Aura, at Linda, ang apat na prominenteng babae na tinitingalaan ng lahat, parang dumating sa kanya ang mga anghel mula sa langit at binigyan siya ng grasya --- iyon ang paniniwala niya.
Shanelle was not the kind of girl who fights back at the ones who hurt her. Instead, she thinks that people are just like that. May iba nasobraan sa kasamaan; may iba na gusto lang manakit para hangaan. At dahil hindi siya gano'n, hindi niya na lang pinapatulan.
Pero isang gabi ng lagim, nagbago ang pananaw niya. Isang gabi ng pagtatraydor, umanib sa kanya ang kasamaang palagi niyang iniiwasan. Isang gabi, sa kanyang muntikan nang kamatayan, ipinilit niyang manatiling buhay para pagbayaran ang mga taong umusig at nanloko sa kanya.
The past cannot be undone, but it can change people completely... especially when they choose vengeance to make things right. Shanelle Ramirez was one of those who would use a mask to play her targets and inflict misery on them.