MisisDChinita
- Reads 231
- Votes 21
- Parts 10
Matapos ang kanilang kasal, pinili nina Kamila at Timothy na iwan ang magulong buhay sa lungsod upang magsimula ng panibagong yugto sa isang tahimik na bayan sa probinsya.
Sa unang tingin, tila perpekto ang bagong tahanang natagpuan ni Timothy para sa asawang matagal nang nangangarap ng sariling bahay. Isang magandang bahay na napapalibutan ng katahimikan, ngunit hindi nila alam na may mga lihim na nakabaon sa bawat sulok nito.
Sa tapat ng kanilang tahanan ay nakatira si Cielo, ang nag-iisang kapitbahay na tila hindi kailanman umalis sa lugar na iyon. Ayon sa kanya, marami na ang nanirahan sa mga katabing bahay ngunit isa-isa silang naglaho hanggang sa siya na lamang ang natira. Minsan na rin daw niyang naisip na umalis, ngunit hindi niya magawang iwan ang bahay na ipinamana sa kanya ng kanyang mga namayapang magulang.
Ngunit habang unti-unting nakikilala nina Kamila at Timothy si Cielo, mas lalo nilang nararamdaman na may isang bagay na hindi tama. Mga lihim na hindi sinasabi. Mga kwentong pilit itinatago. At mga pangyayaring hindi maipaliwanag na unti-unting sumisira sa kapayapaan ng kanilang bagong tahanan.
Dahil sa likod ng mga ngiti at kabaitan ni Cielo ay may katotohanang matagal nang naghihintay na mabunyag.
At kung ang mga dating nanirahan doon ay hindi nakaligtas...
Ano ang posibilidad na sila nina Kamila at Timothy ang susunod?