lady_dragonfly90
Kasing linaw ng karagatang ito ang puso ng bawat taong puno ng pagmamahal at may minamahal.
Ang kwentong ito ay tungkol sa tatlong lalaking magkaibigan na sina Jerum, Jun Rel, at Jovanie. Mula pagkabata hanggang magkaisip ay magkasama na sila sa hirap man o ginhawa, sa saya man o lungkot. Kailan man ay hindi mo mapaghiwalay at laging nagtutulungan.
Pero paano kung sa pagkakaibigang ito ay may mabuong hindi inaasahan? Kaya ba nilang ipagpalit ang pagkakaibigan para sa kanilang nararamdaman? Puso o isip alin sa dalawa ang dapat pairalin?
Masasaksihan niyo ang pag-iibigang nabuo sa kabila ng pangakong "magkaibigan hanggang sa dulo ng walang hanggan. Minahal nina Jerum at Jun Rel si Jovanie ng higit pa sa kaibigan.
Lalaki sa lalaki ay mali para kay Jovanie, kaya minabuti niyang ibaling ang atensyon sa babaeng gusto niya na si Lovely, ngunit palaging pumapasok sa isipan niya ang nangyaring pagtatapat ng kanyang iniingatang kaibigan.
Hanggang saan makakaya ni Jovanie ang pag-iwas sa mga kaibigan upang matupad ang pangakong binitawan?
Sino ang dapat magparaya para magkaroon ng saya? Sasaya pa kaya at mananatili ang pagkakaibigan ng tatlong tauhan sa kwento?