YvesJohnVilloga's Reading List
2 stories
FWO: Fantasy World Online (COMPLETED) by _jammi
_jammi
  • WpView
    Reads 375,923
  • WpVote
    Votes 14,763
  • WpPart
    Parts 77
Genre: Science-Fantasy Familiar ba kayo sa VRMMORPG? I'm sure may idea na kayo yung ano ito. This is what we call a world from another dimension. A dimension which leads you to a different world. Hindi ito pangkaraniwang laro na katulad ng mga larong makikita mo sa computer. Marami na ang nakasubok nito. Kung ito'y iyong titingnan, malaki ang pinagka-iba nito sa ating mundo. Malaking-malaking pagkakaiba na hindi mo aasahan na magiging mundo mo. Buong buhay mo, kahit kailan hindi mo pinaniniwalaan ang mga ganitong bagay. Eh paano kung isang araw, maging totoo ang lahat? Na dumating ang problemang hindi mo alam kung kaya mo bang takasan? Patuloy ka pa rin bang mabubuhay? o Papalamon ka nalang sa kadilimang nangyayari sa katotohanan? FANTASY WORLD ONLINE DATE COMPLETED: December 24, 2016 Cover Illustration is not mine. Credits to the rightful owner.
Project: Black Out (Philippines: Year 2300 Prequel) #Wattys2016 #Trailblazers by EMPriel
EMPriel
  • WpView
    Reads 51,156
  • WpVote
    Votes 1,741
  • WpPart
    Parts 32
Taong 2202 nang maimbento ng isang siyentipiko na nagngangalang Welder Freuch ang isang aparato na kung tawagin ay memory gene. Ang aparatong ito ay tila isang hard drive device na may kakayahang i-tala ang lahat ng mga pangyayari ng isang host mula pagkasilang hanggang sa pagtanda. Ang memory gene na nakakabit sa likurang bahagi ng ulo ng nagmamay-ari ng aparatong iyon ay maaaring ilipat sa isa pang katawan upang mabuhay bilang siya o ang kanyang katauhan. Nagsimulang lumaganap ang pag-gamit ng aparatong ito dahil na rin sa pag-aproba ng gobyerno ng Europa upang mapahaba ang life span ng isang tao ngunit tinutulan ito ng ilang mga bansa dahil na rin sa pagkitil ng buhay upang maging container ng mga taong gumagamit nito. Kalaunan ay nahati ang lipunan sa tatlong klasipikasyon dahil sa aparatong iyon. Una, ang mga bidder o ang mga mayayaman o nakatataas sa lipunan na siyang tanging nakakagamit ng memory gene. Sila ang may kakayahan upang bumili ng katawan ng commoner o ng bidder upang paglipatan ng kanilang mga memory gene para mabuhay kahit gaano pa katagal. Pangalawa, ang mga commoner o ang mga may kaya ngunit hindi pa umaabot sa klasipikasyon ng pagiging bidder. Wala silang memory gene ngunit kung mataasan nila ang pamantayan ng gobyerno sa pagiging bid sa pamamagitan ng kanilang mga assets at liabilities ay maaari na silang tawaging bidder at lagyan ng memory gene. Pangatlo, ang pinakamahirap sa lahat, ang mga bid. Sila ang mga taong naghihirap at hindi kayang bumili ng aparatong iyon. Sila din ang madalas na binebenta sa black market upang isubasta para mabili ng mga mayayaman. Taong 2280: Isang kriminal ang nabalitang gumagala sa bawat lungsod ng Pilipinas upang kitilan ng buhay ang mga gumagamit ng memory gene. Hindi siya gumagamit ng marahas na pamamaraan. Ni walang bahid ng dugo sa lugar kung saan nangyayari ang krimen. Iniiwan niya lamang na natutulog ang kanyang mga biktima at tila nabubura lamang ang kanilang memorya. Black out: Iyon ang tawag sa kanya.