Greyhuntters
- Reads 1,122
- Votes 34
- Parts 2
Sa sobrang istrikto at hirap ng buhay, nagpasya si Noime na magtrabaho sa isang hotel na malapit lamang sa kanila. Mahirap ang buhay at kailangan niyang pagsabayin ang pag-aaral habang tumutulong sa pamilya. May dalawa pa siyang nakababatang kapatid na kailangan ding suportahan.
Ang kanyang ina ay nagtitinda ng mga ulam, habang ang kanyang ama naman ay isang simpleng empleyado sa convenience store. Hindi sapat ang kinikita ng mga ito para matustusan ang kanilang pang-araw-araw na pangangailangan at pag-aaral.
Kaya naman, buong tapang na nag-apply si Noime sa hotel. Sa kabutihang-palad, natanggap siya roon.