yokuiko
- Reads 665
- Votes 232
- Parts 5
Maria Christina Carvajal famously known for her screen name Christine Carvajal is a phenomenal superstar. Sumikat siya nang mabuo ang loveteam sa kaparehang si Andrei Vasquez na kalaunan ay naging kaniyang real life boyfriend.
Ngunit matapos ang isang masalimuot na eskandalo ay napilitan si Christina na makipaghiwalay sa on and off screen partner na si Andrei. Lingid sa kaalaman ng marami malayo sa perpektong pagsasama ang mayroon sila, at matapos na lumabas ang katotohanan ay napagdesisyunan na muna ni Christina na pansamantalang magpahinga sa pag-aartista.
Sinunod ng dalaga ang payo ng mga magulang. Bumalik siya sa Poblacion, ang lugar kung saan siya nagsimulang mangarap. Muli silang nagkita ng kababata niyang si Scott Alvaro, isang guwapo, at simpleng binata na siyang unang naniwala sa kakayahan ng dalaga.
Ang magkababata ay may iniwang pangako sa isa't-isa bago sila nagkahiwalay. Lumipas man ang maraming panahon ay patuloy itong pinanghawakan ni Scott, ngunit ganun rin kaya si Christina?
..