MOiNee_
Dahil sa bulalakaw ay makikilala ni Yurika ang isang alien na parang.. tao?
Bumaba sya sa mesa at nag lakad palapit sa'kin.
'sya nga! Hindi ko sya namukhaan dahil sa dungis ng mukha nya, ang akala ko panaginip lang 'yon.. P-pero bakit nya ako hinahanap?!'
Nang makalapit ay hinawakan nya ang chin ko at inilapit ang mukha nya sa mukha ko na parang hahalikan ako. Wala naman akong magawa dahil hanggang ngayon ay hindi ko parin magalaw ang buong katawan at bibig ko.
"Naalala mo na?" Tanong nya saka tumingin pababa sa labi ko. Napalunok nalang ako at pumikit habang unti-unti pa niyang inilalapit ang mukha nya.
'no!'
Marahan syang tumawa dahil sa pag pikit ko. Naramdaman ko namang inalis nya na ang pagkakahawak sa chin ko ngunit kapalit no'n ang unti unting paglipat ng hininga nya sa tenga ko.
"Ikaw ang dahilan kung bakit ako nabubuhay ngayon.."
Kahit hindi ko kita ang mukha nya ay ramdam kong naka ngiti sya habang binibigkas nya ang mga salitang 'yon.