Celestial_Pen
Hindi ko na kaya.
Gusto ko mang magpakatatag, gusto ko mang ngumiti kahit pilit- pero wala na. Para akong pinupunit. Wala akong makapitan, at siya? Siya pa rin ang hinahanap ng puso ko kahit ako na yung iniwan.
"Anong mali sa'kin?" Tanong ko habang pinipilit punasan ang luha ko, pero wala, ayaw tumigil. Tuloy-tuloy lang. "Bakit... bakit siya yung hindi ko kayang kalimutan? Bakit kahit gaano siya kasama sa paningin ng iba, siya pa rin ang mahal ko?"
Hinawakan ako ni Jona sa balikat habang si Caleb binigyan ako ng tubig. Pero wala namang makakabawas sa sakit na 'to. Ang hirap kasi... ang hirap kapag alam mong ginawa mo na lahat, pero hindi pa rin sapat.
"Maybe he never really loved me the way I loved him," bulong ko, sabay takip ng mukha ko sa palad. "Pero bakit ganito? Bakit siya pa rin? Bakit kahit anino niya sinusundan ko pa rin?"
Tahimik lang sila. Walang gustong magsalita, siguro kasi alam nilang kahit anong sabihin nila, hindi nito matatanggal yung bigat. Ang totoo, ayokong marinig ang "you deserve better." Kasi hindi ko siya kayang palitan. Hindi ko siya kayang bitawan.
Ang masakit, kahit sinasaktan niya 'ko sa di niya pagbalik, ako pa rin yung humahabol.
"I hate that I still love him," I whisper, breaking again.
At sa gitna ng iyak ko, ng sakit ko, ng pighati ko-isang pangalan lang ang tinatawag ng puso ko: Lander.