Summergrace'stories
8 stories
Status: It's Complicated (COMPLETE) by SummerGracePH
SummerGracePH
  • WpView
    Reads 88,299
  • WpVote
    Votes 1,078
  • WpPart
    Parts 61
Kapag nagmamahal ka, hindi mo maiiwasan ang magpaka-tanga. Tulad na lamang ni Aya na matagal inalagaan ang damdamin para kay Charlie... kay Charlie na ginagawang koleksyon ang mga babae at hindi ni minsan nagpakita ng interes sa feelings nya. Tulad ni Justin na nakuntento na lamang sa turing sa kanya ni Aya... bilang isang kaibigan... kahit pa ang totoo ay higit pa sa kaibigan ang nararamdaman nya kay Aya. Ngunit paano kung maisipang magbiro ng tadhana? Paano kung magbunga ang katangahan ni Aya? Paano kung ang komplikado nang relasyon nilang magkakaibigan ay mas lalo pang maging komplikado? Sino ba ang dapat mong piliin... ang taong mahal mo pero hindi ka mahal... o ang taong mahal ka pero hindi mo naman mahal?
Lasing Na Pag-ibig (COMPLETE) by SummerGracePH
SummerGracePH
  • WpView
    Reads 667,011
  • WpVote
    Votes 5,540
  • WpPart
    Parts 8
Isang babaeng palaging lasing ang nagigising sa isang hotel, ngunit sino nga ba ang tagahatid sa kanya sa hotel na iyon? Iyon ba si guardian angel? O anghel na pilit lamang itinatago ang sungay nito dahil gustong maging knight in shining armor sa kanyang paningin? R18 story by Summer Grace Sg
ARRESTED LOVE (COMPLETE) by SummerGracePH
SummerGracePH
  • WpView
    Reads 1,224,559
  • WpVote
    Votes 6,556
  • WpPart
    Parts 9
Mestiso, tall and handsome si Adam, kaya naman di nakapagtataka na isa syang playboy at habulin ng mga babae. Pero tila nakahanap sya ng katapat sa katauhan ni Paloma dahil ayaw na sya nitong lubayan. Crush ng bayan si Paloma, pero hindi ito ang babeng gusto nyang iharap sa dambana, at hindi sya papayag na maitali rito. Pero paano sya makakaligtas sa mga galamay nito? Isa lamang ang naisip nyang paraan. Kailangan nyang kumuha ng isang babaeng magpapanggap na mahal nya at mahal sya para lumayo na sa kanya si Paloma. Nagkataon naman na darating si Georgina, isang napakagandang pulis. Nasuspinde ito at ngayon nga ay kailangan ng pansamantalang trabaho. Kaya naman nang mag-offer sya ng trabahong pagpapanggap ay pumayag ito. Ngayon ay dalawa ang misyon nila ni Georgina, ang madispatsa si Paloma, at hindi ma-in love sa isa't isa habang isinasakatuparan iyon. The Certified Playboy meets The Beautiful Maton.
(Dugong Montero Series) Sean - Priceless (COMPLETE) by SummerGracePH
SummerGracePH
  • WpView
    Reads 554,287
  • WpVote
    Votes 2,929
  • WpPart
    Parts 6
Nabulabog ang masaya at tahimik na buhay ni Dona at ng buong compound nang mag-offer ang Montero Hotels na bilhin ang buong lugar nila. Bad news ito kay Dona dahil ang halaga ng bahay nila para sa kanya ay hindi matutumbusan ng pera. Makapangyarihan ang gustong kumuha ng lupa nila. Pero hindi sya susuko. Gagawin nya ang lahat mabago lamang ang isip ni Sean Montero--ang CEO ng Montero Hotels. Ngunit tila nagbago ang ihip ng hangin nang mas makilala nya ito. Bukod sa pera ay umaapaw din ang charm nito. Sapat ba ang kagustuhan nyang hindi mawala ang tirahan nila o bibigay na sya sa nararamdaman para sa lalaking banta sa pagkabuo muli ng kanyang pamilya? Not everything has a price... Ang unang Dugong Montero... Try to resist...
My Gandalla by SummerGracePH
SummerGracePH
  • WpView
    Reads 155,807
  • WpVote
    Votes 5,544
  • WpPart
    Parts 30
Naudlot ang dapat na pag ampon ni Mr. Raul Ferguso kay Gandalla noong bata pa sya. Namatay kasi ang asawa nito at nawalan ng direksyon ang buhay. May apat na anak naman ito. Lahat nga lang ay lalaki, kaya ginusto ng asawa nito ng anak na babae. Pero mapalad pa rin si Gandalla dahil itinuloy ni Mr. Ferguso ang suporta sa kanya. Pagsapit sa tamang edad ay nakatanggap pa sya mula rito ng isang maliit na condo. Labis-labis ang kanyang pasasalamat kahit pa mula noon ay hindi na nya nakita pang muli si Mr. Ferguso. Hanggang sa makatanggap sya ng balita na malubha na ang matanda. Ginusto nito na makita sya, makumusta at pakiusapan sa isang pabor. Malaki ang utang na loob nya sa matandang Ferguso, kaya tinanggap nya ang hiling nito... ang hiling nito na mapagbuklod ang apat na anak na lumayo ang loob rito. Ngayon ay napapaisip si Gandalla kung tama bang tinanggap nya ang hiling ni Raul. Bukod kasi sa masama ang tingin sa kanya ng ibang anak nito, masama rin ang kutob nya na isa-isa na itong magtatapat ng pag-ibig sa kanya! Sinong pipiliin nya gayong lahat ng mga ito ay walang itutulak-kakabigin. Iba't-ibang personalidad, iba't-ibang mukha at ugali. Ang kambal na sina Martin at Neil, ang black sheep na si Mason, at ang playboy na si Rich. Eh paano na lamang pala kung natuloy syang ampunin ni Raul at maging kapatid ang apat na gwapong lalaking ito? Sana talaga, apat ang puso ng isang tao! Damn Ferguso Brothers!
Love Ghost By (COMPLETE) by SummerGracePH
SummerGracePH
  • WpView
    Reads 129,908
  • WpVote
    Votes 1,199
  • WpPart
    Parts 6
Kung nai-stress ang mga tao, nai-stress din pala ang ghosts, white lady, ligaw na kaluluwa, at kung ano pang pwedeng itawag kay Amethyst. Dead na sya, at matagal na nyang natanggap iyon. Wala eh, ganon talaga. Kung sadyang oras mo, oras mo na. Ang kaso nai-stress ang napakaganda nyang kaluluwa sa asawang maaga nyang na-biyudo, si Miguelito Dimatimbang. Palagi syang nasa tabi nito at kitang-kita nya kung paano magdalamhati ang asawang halos dalawang taon na rin nyang naiwan. Patintero tuloy ang drama nya between heaven and earth! Kaya naman umisip sya ng paraan para tulungang maka-move on ang mahal na asawa bago nya ito tuluyang iwan. At iyon nga ay ang humanap ng babaeng muling magpapatibok ng puso nitong sumabay sa pagkamatay nya. Perfect plan! Pero may isang maliit lang naman na problema. Paano nya gagawin iyon kung wala na syang koneksyon sa pisikal na mundo, at simpleng pagpahid nga ng luha sa mga mata ni Miguel ay hindi nya magawa? An Original Story by Summer Grace na kikiliti sa inyong imahinasyon...
Fix Me (COMPLETE) by SummerGracePH
SummerGracePH
  • WpView
    Reads 629,533
  • WpVote
    Votes 3,845
  • WpPart
    Parts 7
Upang makatakas sa peligro ay napilitang lisanin ni Mariana ang nakalakihang lugar. Sa isang mansyon sa Maynila sya napadpad at namasukan bilang isang tagapag-alaga. Isang bulag at lumpo ang kanyang naging amo na sya rin dapat nyang alagaan. Madali lang sana ang kanyang trabaho, kung hindi lamang bugnutin at masama ang ugali nito. Pero kahit napakahirap nitong pakisamahan ay isang bagay ang hindi nya maipagkakaila... napakagwapo ng kanyang amo. Idagdag pa ang unti-unting pagbabago ng pakikitungo nito sa kanya, kasabay ng papalago rin nyang nararamdaman para rito. Pigilan man nya ay wala na syang magagawa. Wala na syang pakialam kung suklian man nito ang mga ibinibigay nya... ang gusto na lang nya ay payagan sya nitong buuin muli ito. How do you fix a broken man?...
Take Me or Leave Me - A 10-Chapter Story (COMPLETE) by SummerGracePH
SummerGracePH
  • WpView
    Reads 287,788
  • WpVote
    Votes 5,692
  • WpPart
    Parts 13
Evan, a happy-go-lucky rich guy. Sa kabila ng guwapo niyang mukha at mapang-akit na ngiti ay nagtatago ang isang lalaking may itinatagong galit...galit sa isang babaeng sumira sa pamilya nila...sa isang babaeng mababa ang lipad. Dahil noong bata pa siya ay ipinagpalit sila ng kanyang ama para sa isang babaeng bayaran. Tinalikuran sila nito para sumama sa isang babaeng walang ipagmamalaki. Oh, how he hated his father so much. At hinding-hindi siya tutulad dito. Hindi siya magmamahal, at mas lalong hindi siya iibig sa maruming babae. Pero mapaglaro ang tadhana. Nakilala ni Evan si Magda, isang babaeng nagtataglay ng maamong mukha...isang babaeng hindi na maalis-alis sa isip niya...isang babae na sa huli ay kailangan niya rin palang pandirihan at layuan, dahil ang babaeng iyon ay walang ipinagkaiba sa maruming babae na sinamahan ng kanyang ama. Pero paano niya lalayuan si Magda kung nauna na itong lumayo sa kanya? At bakit parang gusto niya itong sundan, pigilan at ikulong sa mga bisig niya? Ngunit kakayanin nga ba niyang mag-alaga ng isang kalapating mababa ang lipad?