fatedestiny07
Ang programang ito ay rated ABCDEFG, kahit sino man, bata o matanda, babae o lalaki, panget o maganda, mataas o kulang sa height, mataba o kulang sa nutrisyon, mabaho o mabango, marunong magbasa o hindi, hater o lover, netizen o citizen, mayaman o mahirap, may trabaho o naghahanap pa, ay pwedeng makabasa sa librong/storyang ito. Kahit saan man, sa bahay o sa opisina, sa trabaho o sa paaralan, sa SM o sa Ayala, sa CR o sa sala, sa internet cafe o sa bahay kung saan may Wi-fi, sa dorm o sa condominium, sa airplane o sasakyan, sa beach o sa pool, sa bukid o sa siyudad, ay pwedeng pwede makabasa ng storyang ito. Ngunit kapag may Investigatory Project o Thesis kang ginagawa, hinding hindi mo pwedeng basahin ito dahil kailangan mo munang tapusin 'yang research na 'yan, nakakastress kasi 'yan. Kapag may upcoming examination ka, at kapag may grado kang below 75, below 85, o below 99 percent , ay bawal na bawal mo 'tong basahin dahil nakakababa ito ng iyong marka. Pwedeng pwede mo na 'tong basahin kapag ang grades mo ay 99 percent na lahat at natapos mo na ang iyong Investigatory Project o Thesis.