Heirloom series
4 stories
HEIRLOOM: The Ring's Promise: Now and Forever (Book 4) by: Nicka Gracia by Jieseru02
Jieseru02
  • WpView
    Reads 1,614
  • WpVote
    Votes 21
  • WpPart
    Parts 16
Desidido si Crystal na mapasakamay niya ang huling piraso ng heirloom set na ipinahanap sa kanilang magkakapatid ng kanilang ama, ang moonstone ring. The moonstone is a Lover's stone. At napatunayan na iyon sa naging karanasan ng mga kuya niya na natagpuan ang kanya-kanyang pag-ibig dahil sa heirloom. Pero mukhang s kanya papalya ang kredibilidad at mahika ng moonstone dahil natagpuan nga niya ang lalaking mamahalin niya---si Gray---pero hindi naman happy ending ang kinahantungan nila. Nalaman kasi niyang pinakasalan lang siya nito dahil sa hiling ng namayapa nitong abuela na tunay na nagmamay-ari ng singsing. Sa kaalamang iyon ay iniwan niya ito. Pagkalipas ng tatlong taon ay bumalik sa Buhay niya si Gray, hindi upang ayusin ang kanilang relasyon kundi upang bawiin sa kanya ang moonstone ring na ipinamana sa kanya ng Lola nito. Ganoon ba talaga kawalang pagmamahal si Gray sa kanya? Kinuha na nga nito ang puso niya, pati ang nag-iisang bagay na nagbubuklod sa kanila ay kukunin pa rin nito?
HEIRLOOM: Love and Antiques (Book 3) by: Nicka Gracia by Jieseru02
Jieseru02
  • WpView
    Reads 1,628
  • WpVote
    Votes 16
  • WpPart
    Parts 11
Natagpuan ni Gauis ang nawawalang heirloom ng pamilya nila sa kamay ni Lavender, Isang manunulat na may-ari ng isang antique shop. Sinubukan niyang bilhin dito ang heirloom pero sinabi nitong hindi iyon ipinagbibili. Mahalaga raw iyon sa pamilya nito at ipinamana iyon sa ama nito. Nakahanda si Gauis na gawin ang lahat upang makuha ang heirloom. At nakaisip siya ng isang magandang plano. Ang perfect plan: kukunin niya ang loob ni Lavender hanggang sa ibigay nito sa kanya ang heirloom. Sa kasamaang-palad, habang nakakasama niya si Lavender ay nahuhulog na ang loob niya rito. Sa huli, hindi na rin niya binalak na bawiin pa rito ang bracelet. Sasabihin na sana niya rito ang totoo, pero naunahan siya ng isang taong magsabi rito. Walang iba kundi ang nobya niyang si Julia!
HEIRLOOM: My Gothic Earrings (Book 2) by: Nicka Gracia by Jieseru02
Jieseru02
  • WpView
    Reads 1,526
  • WpVote
    Votes 7
  • WpPart
    Parts 11
Nag-hire si Aquila ng taong hahanap sa nawawalang heirloom ng pamilya na na-assign sa kanyang hanapin. Natagpuan naman ang heirloom, ang problema nga lang ay nawawala ang kapares niyon. Isa kasi iyong hikaw na may moonstone. And he had no other choice but to enter the picture. Ngunit hindi rin pala magiging madali iyon, lalo na nang malaman niyang hikaw, ngayon ay singsing na. Isang singsing ng mangkukulam. No, she was not a witch. Luna was more like a gothic princess with a pair of very lonely eyes. Paano mababawi ni Aquila ang heirloom kung sa bawat pagtitig niya sa mga mata ng prinsesa ay nakakalimutan niya ang kanyang pakay? At tuwing uutusan siya nito ay nagkukumahog na sumunod ang puso niya.
HEIRLOOM: The Spell Of An Ancient Moonstone (Book 1) by: Nicka Gracia by Jieseru02
Jieseru02
  • WpView
    Reads 1,966
  • WpVote
    Votes 56
  • WpPart
    Parts 12
Nakatanggap ng pamana si Faith mula sa lola niya--- Isang ancient moonstone necklace. At mula nang mapasakanya ang kuwintas ay hindi na niya iyon hinubad pa. Bukod kasi sa napakaganda ay nagdulot pa iyon ng suwerte sa buhay niya. At mukhang ang moonstone na rin ang dahilan ng pagdating ni Urbanus sa buhay niya. Sinabi nitong pag-aari ng pamilya nito ang moonstone necklace. isang family heirloom daw iyon na matagal nang nawawala. Siyempre pa, totoo man ang sinasabi nito ay hindi niya ibibigay rito ang kuwintas. At mukhang ayaw rin nitong sumuko agad. Sa kabila niyon ay naging malapit sila sa isa't isa. At hindi nagtagal ay naging sila. Naging maganda ang takbo ng kanilang relasyon. Pero hindi niya inasahang panandalian lang pala iyon. Nang manakaw sa kanya ang moonstone necklace ay naging malamig na ang pakikitungo ni Urbanus sa kanya. Halos hindi na siya nito pinaglalaanan ng panahon. Hanggang sa natuklasan niya na nakipaglapit lang pala si Urbanus sa kanya dahil sa kuwintas--- na ngayon ay nasa mga kamay na pala nito.