Taglish Stories
2 stories
Pag-akit by HirayaCross
Pag-akit
HirayaCross
  • Reads 4,286
  • Votes 15
  • Parts 69
"Kung inaakala mong hindi kita papatulan, think again." Naramdaman niya ang hininga ng binata sa kanyang mukha habang unti-unti siyang umaatras, hanggang sa lumapat ang kanyang likuran sa isang bookshelf. Ano kayang naisip niya para akalaing magpipigil ang lalaki? "Kahit pa anak ka ni William, wala akong pakialam. You could warm my bed just fine. Ikaw na mismo ang lumalapit para akitin ako. Tatanggi pa ba 'ko? Tell me, ano'ng gusto mong kapalit?" Napasinghap siya nang maramdaman ang marahang pagkagat nito sa ibabang bahagi ng kanyang tainga. Matapos iyon ay nilapatan rin nito ng halik ang kanyang leeg. Medyo nanlambot ang kanyang mga tuhod. Sa halip na kay Melissa Franklin ibigay ng kanyang yumaong ama ang mana, pinangalanan nito si Klyde Henderson upang humawak at imanage ang mga naiwan nitong properties. Ang lalaki ay matalik na kaibigan ni William. Ilang taon lamang ang tanda ng kanyang ama rito at ngayon lamang niya ito nakaharap. Ayon sa Last Will and Testament na iniwan sa abogado, matatanggap lamang ni Melissa ang kabuuan ng kanyang mana kapag siya ay thirty years old na, pitong taon pa mula ngayon. Si Klyde Henderson, may edad na halos doble ng sa kanya, ang nagmistulang kanyang legal guardian. Ngunit ang respeto ng binata sa kanyang ama ay hindi nito ibinigay sa dalaga. Sa kanyang paningin, puro kalokohan at problema lang ang alam ng babae. Kailangan ni Melissa na makahanap ng paraan upang makuha ang mana na para sa kanya. Naisipan niyang akitin ang lalaki at kumbinsihin ito. At doon nagsimula ang kaniyang pang-aakit.
Pagsubok by HirayaCross
Pagsubok
HirayaCross
  • Reads 15
  • Votes 0
  • Parts 1
PAGSUBOK Sisimulan ni Cindy Eballa ang panibagong yugto ng kaniyang buhay na walang tirahan. Pinalayas kasi siya ng kaniyang ina noong mismong araw ng kaniyang ika-labing-anim na kaarawan. Hindi kasi siya kasali sa bagong pamilyang binubuo ng kaniyang ina kasama ang bago nitong nobyo. Hindi niya nakilala ang kaniyang ama at ayaw ring sabihin ng kaniyang ina kung sino ang lalaking iyon. Mahigit isang linggo na siya sa lansangan, bago may nagmagandang-loob na tumulong sa kaniya. Nilapitan siya ni Elian Lusterio at inalok siyang tumuloy sa tirahan nito. Dati na ring nakaranas ang binata na mawalan ng matutuluyan o tirahan at sigurado siya na mas mahirap ang sitwasyong ganoon para sa isang batang babae na tulad ni Cindy. Kadalasan ay wala rin naman siya sa kaniyang bahay sapagkat abala siya sa kaniyang pagtatrabaho. Nais niyang makaipon ng malaking halaga at maasam ang tinatawag nilang financial freedom. Gayunpaman, sadyang mahirap ang buhay. Palibhasa'y hindi siya nakatuntong sa kolehiyo, limitado lang ang mga mapagpipiliang trabaho ni Elian. Sa kabila niyon ay nangako siya sa kaniyang sarili. Hindi na siya muling matutulog sa lansangan at unti-unti niyang aabutin ang mga pangarap niya sa buhay. Masipag naman siya. Madalas siyang abala sa paghahanapbuhay, kaya't halos wala na siyang panahon para sa ibang bagay. Minsan na siyang umibig, ngunit nasaktan lamang siya ng ipagpalit siya ng babae sa isang taong mayaman. Nang tumuntong na sa tamang edad si Cindy ay nagtapat siya kay Elian, ngunit mukhang nakababatang kapatid lamang ang turing nito sa kaniya. Hindi siya sumuko. Ipinagpatuloy niya ang nakakubli niyang pagmamahal sa lalaki. Umaasa siya na balang araw ay matatanggap rin siya nito at susuklian ang kaniyang pagmamahal.