Martha cecilia
6 stories
Sexy and Dangerous (COMPLETED) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 1,119,946
  • WpVote
    Votes 26,587
  • WpPart
    Parts 23
"Kung hindi ba ako isang bodyguard mo lang, mamahalin mo rin ako?" Sa unang pagkakita pa lamang ni Redentor kay Samantha ay kinainisan na niya ito. Marahas, walang finesse, at tila lalaki. Pero wala siyang magawa, pinagbabantaan ang buhay niya at ito ang napili ng pinsan niyang maging bodyguard niya at sinasabing si Samantha ang pinakamahusay. Sa unang pagkakita pa lang ni Samantha kay Redentor ay gusto nang lumukso ng puso niya. Magdadaan muna sa ibabaw ng seksing katawan niya ang sinumang nagnanais na saktan ito. Then she realized Red had a girlfriend-babaeng ang mga katangian ay ang kabaliktaran niya: Mestiza, petite, and voluptuous, at malaanghel ang kagandahan. While Samantha was tall, dark, rough, and tomboyish. Mauunsiyami ba ang damdaming noon lang niya naramdaman sa buong buhay niya?
Dominic (COMPLETED) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 940,638
  • WpVote
    Votes 19,400
  • WpPart
    Parts 17
Isang linggo pagkatapos pakasalan si Alyna ni Dominic del Carmen ay umuwi ito sa probinsiya at hindi na muling nagpakita pa. Hinanap niya ang asawa sa probinsiyang sinasabi nito. Only to find out na ang tunay na Dominic del Carmen ay hindi ang lalaking inakala niyang pinakasalan siya. Bagaman guwapo ang nagpanggap na Dominic, the real Dominic is one delicious hunk of a man!
When Fools Rush In (COMPLETED) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 687,983
  • WpVote
    Votes 16,472
  • WpPart
    Parts 23
"Life is a gamble, Bianca. And this is one gamble I have no intension of losing..." Bianca was living a wonderful life. May sarili siyang negosyo, may mga kaibigan, and a loving mother. Wala na siyang mahihiling pa. Kahit pa ipinagpipilitan ng mommy niya na malapit na siyang maging old maid at dapat nang mag-asawa ay hindi siya nababahala. Until Gregorio. Nagising siyang katabi ito sa kamang hindi sa kanya. At pareho silang walang maalala kung paano sila nakarating doon. At kung paanong sa loob lang ng isang gabi ay mag-asawa na sila. Hindi siya ang uri ng babae na magpapakasal sa isang estranghero. Ngunit dahil sa tila makatwirang argumento ni Greg, napapayag siyang bigyan ng tsansa ang di-inaasahang kasal. Magtagumpay kaya ang pagsasamang walang matibay na pundasyon?
My Love My Hero, Hanz (UNEDITED)(COMPLETED) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 470,484
  • WpVote
    Votes 14,007
  • WpPart
    Parts 27
Angeli found her boyfriend murdered in his office. Subalit walang gustong maniwala sa kanya. Ayon sa imbestigasyon ay nagpakamatay si Dirk. Nagbakasyon siya sa isang bayan sa norte upang malimutan ang trahedya. Doo'y nakilala niya si Hanz Belleza, a gorgeous fisherman, whose smile melted her knees. But he owned a black Honda Civic. At iyon mismo ang sumusunod kay Angeli sa daan nang patungo siya sa San Nicolas. At ang humahabol sa kanya nang gabing mamatay si Dirk ay ang itim ding Honda Civic. At natitiyak niyang may lihim sa likod ng pagkatao ni Hanz. Was she risking her life as well as her heart by falling in love with him?
My Love My Hero, Montañez (UNEDITED) (COMPLETED) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 865,945
  • WpVote
    Votes 23,347
  • WpPart
    Parts 42
Mula nang palisin ni Flavio Guillermo sa balat ng lupa ang pamilya Montañez ay namatay na rin ang anumang damdamin mayroon si Luke. For almost five years, he refused to feel anything. Until one stormy night. Hindi napigil ni Luke ang sariling tulungan ang babaeng namatayan ng baterya ang kotse sa gitna ng ilang at bumabagyo-only to be shocked by the intense pull he felt when their skin touched. Something long dormant stirred deep inside him. Tulad ng pinsang si Kiel, marahil ay may pag-asa pang maging maligaya uli si Luke. That is, if he could keep her alive from her stalker.
Love Trap (COMPLETED) Published by PHR by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 922,543
  • WpVote
    Votes 19,674
  • WpPart
    Parts 32
Naniniwala siyang higit ang pagtinging inuukol niya kay Lola Emilia kaysa sa sarili nitong apo, si Robb, whose true to life experience was made into a movir and became a big hit. Kaya walang dahilan upang tumanggi si Serena sa suhestiyon nito na magkunwari silang magkasintahan upang mapaligaya ang mga huling araw ng buhay ng matanda. Mula sa inosenteng pagkukunwaring iyon ay natagpuan niya ang sariling taglay na ang pangalan ni Robb nang magpakasal nila- kasal na tiniyak ni Robb na ipaa-annul nito sa sandaling matapos na ang silbi niyon. Subalit habang lumilipas ang mga araw ay natagpuan ni Serena ang sariling umiibig dito. Subalit paano ang nalalapit nilang annulmentÉ At ano ang gagawin niya gayong dinala ni Robb sa bahay nila ang magandang babae sa katauhan ni Yvette?