yangxhezz_'s Reading List
4 stories
Ang Mutya Ng Section E (Book 2) by eatmore2behappy
eatmore2behappy
  • WpView
    Reads 145,878,968
  • WpVote
    Votes 4,443,911
  • WpPart
    Parts 139
The global hit returns! Enjoy Season 2 on Viva One and revisit the original story that started it all. Pagkatapos ng mga pinagdaanan nila ng Section E, ang buong akala ni Jay-jay ay maayos na ang sitwasyon nila. Pero paano kung malaman niyang kasinungalingan lang pala ang lahat? Magagawa pa rin ba niyang patawarin ang taong nanakit sa kaniya o hindi na? Season 2 of Ang Mutya ng Section E *** Ang buong paniniwala ni Jasper Jean "Jay-jay" Mariano, unti-unti na siyang natatanggap ng mga tao sa paligid niya. Naging malapit na siya sa mga kaklase niya at kahit na nagkakaroon pa rin ng gulo, pilit nilang inaayos ang mga iyon sa abot ng kanilang makakaya. Pero nang malaman niya ang katotohanan tungkol sa mga itinuring niyang kaibigan at pamilya, tila gumuho ang mundo ni Jay-jay. Hindi na niya malaman kung ano nga ba ang totoo sa hindi. Ngayong puno na ng sakit at hinagpis ang puso niya, magagawa pa rin ba niyang pakinggan at patawarin ang mga taong nanakit sa kaniya? O pipiliin niyang lumayo na lamang sa mga ito kahit na napamahal na siya rito?
Reincarnated as a Stupid Daughter of the Mafia Boss by DemLux_Pain
DemLux_Pain
  • WpView
    Reads 11,836,854
  • WpVote
    Votes 434,007
  • WpPart
    Parts 106
Carnelia Manelli, isang anak ng Major General ng military at sikat na Fashion Designer na sina Jared at Kacey Manelli. Dahil dito, hindi naging madali ang buhay niya simula pa ng ipanganak siya. Bata pa lang ito ay pinasok na siya sa loob ng military camp upang matuto itong maprotektahan ang kaniyang sarili laban sa mga kalaban ng daddy niya. Lumaking palaban, malakas, mainitin ang ulo at tuso si Carnelia. Sabi nga ng iba ay nasa kaniya na ang lahat kung hindi lang siya panget at mataba. Totoo nga ang kasabihan na walang taong perpekto, kung kaya't hindi siya nabiyayaan ng kagandahan na meron ang mommy niya. Ngunit kahit na naging mahirap ang buhay ni Carnelia ay masaya ang buong pamilya nila. Maayos naman ang lahat, hanggang sa may nangyaring masama na siyang naging dahilan ng pagkasira ng masayang buhay nila. Simula noon ay desidido na si Carnelia na gagawin niya ang lahat para mapaghiganti ang mga taong nanakit sa mga mahal niya sa buhay. Two years! Ganiyan katagal ang paghahanda na ginawa niya para matupad ang kaniyang pangako... Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana! Dala ang masayang balita na natanggap ito bilang financial analyst sa malaking kompanya ay nangyari naman ang isang trahedya na babago sa kaniyang buhay... Being kidnapped by an unknown group... Being experimented... Tortured... And died horribly! ... But as soon as Carnelia opens her eyes, she knows that she's in trouble! She became someone else! The worst part is that she figured out that her new body's owner is Heavenhell Athanasia Caventry. The supporting character in her favorite novel is known for being the stupid daughter of the mafia boss! _________________________________________ Written by: DemLux Pain
I Love You Since 1892 by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 133,680,550
  • WpVote
    Votes 787
  • WpPart
    Parts 47
Published book, series and now a Wattpad Original. Read the original story or watch new episodes weekly only on VivaOne. Hindi intensiyon ni Carmela Isabella ang umibig, lalo na sa taong 1892. Mula sa taong 2016 ay mapupunta siya sa nakaraan nang may isang misyon: huwag hayaang umibig sa kanya si Juanito Alfonso, ang anak ng kilalang gobernadorcillo at ang lalaking nakatakda niyang makaisang-dibdib. *** Palaging kinukuwestiyon ni Carmela Isabella ang mga kuwentong nakabaon sa nakaraan ng kanyang pamilya, ngunit hindi niya akalain na mula sa panahong 2016 ay mapupunta siya sa taong 1892 sa pamamagitan ng isang lumang talaarawan at ang Arch of the Centuries na kanyang nagsilbing portal. Inatasan siya ng isang misteryosong madre upang gawin ang napakahalagang misyon: kailangan niyang mamuhay bilang si Carmelita Montecarlos, ang bunsong anak ng pinakamayamang pamilya sa San Alfonso at siguruhing mapipigilan si Juanito Alfonso--ang nakatakdang mapangasawa ni Carmelita--na umibig sa kanya. Sa nalalapit nilang kasal at sa kasaysayang naghihintay na maisulat muli, ang pag-ibig na hindi naman sinadya upang maranasan ng dalawang inosenteng puso ay muli bang masisilayan pagkalipas ng isang siglo? Book Cover by: LIB Publishing Illustrated (Charcoal Painting) by: Warner Jr. DISCLAIMER: This story is written in Taglish. Started: June 01, 2016 Completed: April 27, 2017
Salamisim (Published by Flutter Fic) by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 12,703,579
  • WpVote
    Votes 587,463
  • WpPart
    Parts 39
Ang Unang Serye. "Isang araw, nagising na lang ako sa loob ng kuwentong isinulat ko." Natuklasan ni Faye na nagagawa niyang makapasok sa kuwento na kaniyang isinulat. Ang kaniyang nobelang Salamisim ay tungkol sa pagmamahalan ng isang dalaga na anak ng gobernadorcillo at ng isang binatang nabibilang sa samahan na naglalayong pabagsakin ang pamahalaan. Nakilala ni Faye ang lahat ng karakter na kaniyang pinangalanan. Naranasan niya ang lahat ng eksena na binuo ng kaniyang malikhaing kaisipan. At narinig niya ang lahat ng linya na kaniyang pinaghirapan. Hindi siya naniniwala sa Happy Ending, ngunit paano na ngayong nakilala niya si Sebastian Guerrero? Ang pangalawang tauhan na siyang magiging hadlang sa kuwento. Hanggang saan ang kayang gawin ng manunulat upang protektahan ang kaniyang akda kung mahuhulog ang kaniyang damdamin sa antagonista? Date Started: February 29, 2020 Date Finished: May 26, 2020 Published by Flutter Fic/ Anvil Publishing All Rights Reserved 2020