thefuturemrswatson0
- Reads 609
- Votes 46
- Parts 40
Ang pagmamahal ay kaakibat ng pamumuhay natin dito sa mundong ibabaw.
Walang pagsasama ang matatawag nating perpekto. Naandyan palagi ang banta ng away, lungkot, iyakan, tampuhan, at ang pag kakaroon ng galit sa bawat isa. Ngunit ang pinakaimportanteng bagay sa isang samahan ay ang kapatawaran. Ika nga nila ay lalong tumatatag ang isang samahan kung patuloy ang pag suporta at kapatawaran ng bawat isa.
Sa kuwentong ito ay makikita, malalaman, at matutunghayan ninyo kung ano ang iba't-ibang uri at depenisyon ng salitang "Pagmamahal" o "Love" sa ingles. Hindi lamang sa katauhan ng ating bidang karakter na si Daniela Naurene 'Dany' E. Monteaide, kundi pati na rin sa iba pang mga karakter na gumaganap sa kuwento. Ang pagmamahal na tiyak na nararamdaman din ng bawat mambabasa sa isang pamilya, kaibigan, at kasintahan.