Ice freeze
5 stories
Partners In Crime (Freezell #1.5) [Completed] by Ice_Freeze
Ice_Freeze
  • WpView
    Reads 347,719
  • WpVote
    Votes 7,406
  • WpPart
    Parts 8
Warning: MATURE CONTENT | R-18 | COMPLETED "Forever is just a lie. Our life is just between hello and goodbye." - Ruiza Honeylei Crosante Freezell Series #1.5 (Short Side Story) --
The Untamed Actor (Freezell #11) [Completed] by Ice_Freeze
Ice_Freeze
  • WpView
    Reads 1,373,202
  • WpVote
    Votes 42,609
  • WpPart
    Parts 39
Warning: MATURE CONTENT | R-18 | COMPLETED Syreen Elieja Averde, is a woman of principle. Basta hindi pasok sa prinsipyo niya, wala siyang pakialam kahit sino pang masaktan. Para sa kaniya, lahat nang gagawin natin ay may kabayaran at lahat ay siguradong may kapalit. She's talented, skilled, and lovable. She's a former secret agent and now a professor in college. May ugali siyang hindi niya kayang ipreno ang gusto niyang sabihin dahil para sa kaniya ang pagiging prangka ay isa sa katunayan na hindi ka plastik. She knows what she wants in life-and that is to be love. Wala siyang ibang gusto kung hindi ang mahalin nang walang halong panloloko at kagaguhan. Alam niyang nadapa siya noon nang piliin niyang mahalin ang taong akala niyang totoo sa kaniya, na siya palang gugunaw ng mundo niya dahil isa lamang itong gagong manggagamit at walang ibang kayang intindihin kung hindi ang sariling nararamdaman at mga kagustuhan. Tahimik at masaya na siya sa bago niyang buhay malayo sa mga baril, patalim, granada at mga misyon. Ayos na ayos na siya sa buhay niya. . . ngunit bigla na lamang bumalik ang hayop na lalaking gumamit sa kaniya noon at ngayon ay nais guluhin ang maayos niyang mundo. Anong dapat niyang gawin para muli na namang takasan ito? Anong dapat niyang gawin para makalaya sa mga mata nitong tila mga mata ng agila sa talim? Saan niya huhugutin ang tapang na tumakbo muli palayo, kung ang mundong ginagalawan nila. . . ay pilit pinag-iisa?
The Secretive Professor (Freezell #7) [Completed] by Ice_Freeze
Ice_Freeze
  • WpView
    Reads 4,898,290
  • WpVote
    Votes 124,875
  • WpPart
    Parts 35
Warning: MATURE CONTENT | R-18 | COMPLETED Lindzzy Sebastian, mabait, ulirang anak sa mga magulang niya, mapagmahal na kaibigan, hindi marunong lumaban at higit sa lahat inosente sa mga bagay-bagay. Maayos na sana ang buhay ni Lindzzy kahit pa naghihikahos sila sa pera, ngunit isang trahedya ang bumago ng buhay niya. Kinuha ng isang aksidente ang mga magulang niya mula sa kanya, at sa kalagitnaan ng pagtatangis at pagluluksa niya ay bigla na lamang siyang ibinenta ng kanyang tiya at tiyo sa isang illegal na organisasyon na nagbebenta rin ng mga kababaihan. Akala ni Lindzzy ay roon na matatapos ang lahat para sa kanya, ngunit sa gulat niya ay may isang gwapo, matipuno, madilim ang awra at mayaman na lalaki ang bumili sa kanya sa halagang isang bilyong piso. Ano ang magiging lagay ni Lindzzy sa kamay ng lalaking ito? Ano ang mga baon na lihim nito na maaaring maka-apekto kay Lindzzy? At paano kung ang taong bumili sa kanya, ay isa palang professor habang siya naman ay isang estudyante? Ano ang kahihinatnan niya? Freezell Series #7
My Short Tempered Husband (Freezell #5) [Completed] by Ice_Freeze
Ice_Freeze
  • WpView
    Reads 4,146,170
  • WpVote
    Votes 117,350
  • WpPart
    Parts 45
Warning: MATURE CONTENT | R-18 | COMPLETED Highest Rank/s: #1 - Humor 8/18/20 #2 - Adventure 12/27/20 #5 - General Fiction 09/25/20 #1 - Music 08/27/20 Aeickel Lavria Freezell, kilala bilang tahimik, mapanganib at isang gwapong babaeng secret agent. She is a naturally born woman but she has the charm of a handsome man that makes women mistake him as a man of their dreams. Isang araw ay nai assign siya para bantayan ang isang short tempered bachelor slash band member slash CEO slash ex boyfriend ng kakambal niya na si Nigel Iñigo Ricafort. Binusisi niyang mabuti kung paano siya makakalapit dito at nalaman niyang isa itong misogynist. She took that bait and applied as his male secretary. Hindi naging mahirap sa kanya ang pagpasok dahil simula bata pa lamang siya ay napagkakamalan na siyang isang gwapong lalaki lalo na't hindi siya nagpapahaba ng buhok. Naging maayos ang relasyon nila ng boss niya, at nang minsan siyang ayain nitong mag-inom ay pumayag siya. Kapwa sila nalasing at humantong sa isang hindi inaasahang kasalan na babago sa tahimik na buhay ni Aeickel. Paano na ang misyon niya rito? Paano na kapag nalaman ng amo niya isa pala siyang babae at matagal na silang kasal? At paano niya mapagsasabay ang pagbabantay niya rito at ang unti-unti niyang pagkahulog? Freezell Series #5
Debt and Pleasure [Completed] by Ice_Freeze
Ice_Freeze
  • WpView
    Reads 11,576,580
  • WpVote
    Votes 277,101
  • WpPart
    Parts 56
WARNING: MATURE CONTENT | R-18 | COMPLETED | S T A N D A L O N E N O V E L | All she ever wanted was to be happy. Hindi siya ang tipo ng taong mapaghangad ng mga bagay na hindi niya maaabot o mayayakap. Kaya naman halos takasan siya ng bait nang dumating ang araw na kinailangan niyang unahin ang sarili bago ang iba. Alam niyang hindi magtatapos ang lahat sa paghingi lang ng kapatawaran sa mga naapektuhan dahil kahit saang anggulo mang tingnan, malaki ang kasalanan niya at walang ibang maaaring sisihin kundi siya lamang. Nang hilingin ng taong pinagkakautangan niya ang pagsuko niya ng kanyang sarili dito upang mabayaran ang napakalaking pagkakautang, wala siyang ibang nagawa kundi isuko na lamang ang sarili. Hindi na siya umaasang magiging maayos pa ang pagtrato nito sa kanya lalo pa't terible ang atraso niya rito. Ngunit may kakaiba sa paraan ng pakikitungo nito sa kanya na ayaw niyang bigyan ng pangalan. Naroon lang siya upang magbayad ng malaking pagkakautang. Ayaw niyang umasa, at mas lalong ayaw niyang masaktan. Hanggang kailan niya kayang manindigan na tanging paniningil lamang sa kaniya ang pakay nito kung habang tumatagal ay lalo lang siyang hindi makawala rito? Hanggang kailan tatagal ang pagbabayad niya kung wala rin itong balak na pakawalan siya kahit na kailan? -- THIS IS A STAND ALONE NOVEL! This has NOTHING to do with Freezell Series.