KrissaYun143
Romance #04
Perfect siya. 'Yan ang sabi ng lahat.
Matangkad, matalino, talentado, at palaging kontrolado ang kilos. Pero siya rin ang pinaka-malamig at pinaka-mailap na class president sa classroom namin.
Hindi ko alam kung bakit, pero dahil na rin siguro sa sobrang kontrolado ng galaw at kilos niya, parang hindi na siya marunong makipagkomunikasyon ng maayos. Oo, president siya, pero nonchalant naman. Minsan naiisip ko, ano kayang mangyayari kung siya ang magsasalita kapag may okasyon kami? Eh palagi lang siyang nasa gilid, tahimik, at halos hindi mo marinig magsalita. Limitado ang mga sinasabi niya, puro direkta, walang paligoy-ligoy.
Siya si Kallen Azrael R. De La Cruz, ang ultimate crush ng lahat.
Crush ko na siya simula pa noong grade 7 ako at hanggang ngayong grade 12, dala ko pa rin. Hindi ko rin alam kung bakit, pero iba kasi ang presensya niya. Hindi nga lang ako tulad ng ibang halos mabaliw sa kanya, 'yong tipong araw-araw lumiliban sa klase para lang masilip siya sa room. Hindi ako gano'n.
Kaklase ko siya. Katabi ko rin sa upuan. Pero bihira kaming mag-usap. Parang palagi siyang may sariling mundo.
Krissa