👀
2 stories
Bought by the Devil by YourEmpressAlexandra
YourEmpressAlexandra
  • WpView
    Reads 53
  • WpVote
    Votes 3
  • WpPart
    Parts 5
"Oh princess... love was never my religion but I'd devote my whole life to you." Lumaki si Amira na hindi man lang naranasan na makatanggap ng pagmamahal mula sa kanyang mga magulang. Palibhasa ay madalas nauutal at tahimik, mas pinapaburan ng kanyang mga magulang ang kanyang Ate Alysa, na maliban sa napakaganda ay napakatalentado pa. Kaya hindi na nagtaka ang dalaga nang sa halip na ang kanyang nakakatandang kapatid ay siya ang ipinagbili ng mga ito, upang masagip ang papaluging kompanya ng kanilang pamilya. At para siyang papanawan ng ulirat nang malaman niyang ipinagbili siya ng kanyang magulang kay Yasir Reza, ang pinakamayaman-at pinakawalang-puso-na lalaki sa buong siyudad. Alam niyang panganib ang hatid ni Yasir. Kung hindi kamalasan ay higit lang na pasakit ang kanyang matatanggap. Walang puso ang pagkakakilala ng mga tao sa lalaki, at halos lahat ng mga napapangasawa nito ay namamatay, kung hindi man nakikipaghiwalay sa bilyonaryo. Nakikinita na ni Amira ang kahihinatnan niya. Ngunit kahit na alam niya ang peligro na bitbit ng kanyang asawa, hindi niya masawata ang pintig ng kanyang puso nang sa unang gabi nila ay masuyo siya nitong hagkan... Si Yasir na ba ang anghel na magpaparanas sa kanya ng walang katumbas na pagmamahal, o ito ang demonyong magdudulot ng higit pang pait sa puso niya?
Bring Me To Paradise (Sugar Daddy Series #3) (18+) by YourEmpressAlexandra
YourEmpressAlexandra
  • WpView
    Reads 153
  • WpVote
    Votes 0
  • WpPart
    Parts 8
Dahil sa mga utang at sa inang nakaratay sa ospital, napilitan si Faye na tanggapin ang alok ni Alessandro Romano, ang kanyang pinagkakautangan, na magtrabaho bilang waitress sa nightclub na pagmamay-ari nito, ang La Traviata Bistro sa Paradiso, isang red light district sa siyudad ng X. Pinangakuan siya ng lalaki na kapag nakabalik ito mula sa business trip nito ay aalisin nito lahat ng kanyang utang at pakakasalan. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay pinuwersa siya ng kakambal ni Alessandro, si Alonzo, na magtrabaho bilang isang high-end escort. Sa unang gabi ng kanyang trabaho ay nakilala niya ang isang lalaking nakasuot ng maskara, na siyang bumili sa kanyang unang gabi. Bagaman malaki ang ginastos nito sa kanya ay wala itong ibang hiniling kung hindi ang samahan niya itong uminom buong gabi. Hindi kalaunan ay nalaman niya kung sino ang kanyang misteryosong patron: walang iba kung hindi ang vice-chairman ng Paradiso, si Xiao Feng na dalawampung taon ang tanda sa kanya. Sa paglipas ng mga gabi ay unti-unting nahulog ang kanyang loob sa lalaki dahilan para kanya nang nakalimutan ang pangako ni Alessandro sa kanya. Kaya naman sa pagbabalik nito ay tuluyang nagulo ang mundo ni Faye. Maliban sa handa ang dalawang lalaki na ibuwis ang mga buhay nito para sa kanya, hindi niya maiaalis ang malaking utang na loob sa kanyang dalawang tagapagtanggol. Kapwa na nagnanais na maangkin siya. Kapwang nag-aalay ng pag-ibig na 'ni sa hinagap ay hindi niya inaasahang may mag-aalay sa kanya. Magawa niya kayang mamili sa dalawa, kung ang katumbas niyon ay may masasaktan siya? Piliin niya kaya si Alessandro na handang itakwil ang kakambal nito para sa kanya, o si Feng na nangangakong ibibigay sa kanya ang lahat, mahalin niya lamang ito? Sino nga ba ang hahayaan niyang magdala sa kanya sa paraiso?