iamgorgeousbela
Matagal ng nahihirapan si Amber Ignacio sa kanyang sakit, malala ang sakit na iyon at unti unti itong pumapatay sa kanya ngunit araw araw niya itong nilalabanan para sa kanyang minamahal na si Brent ngunit wala naman itong pakialam sa kanya, sa totoo nga ay kinaiinisan pa siya nito at kulang na lang ay hilingin nito sa kanya na tuluyan na siyang mawala sa mundo pero baliwala lahat ng iyon sa dalaga. Kaya niyang tiisin ang masama nitong ugali dahil ang gusto lang niya ay makasama ito habang nabubuhay pa siya.