favorites
66 stories
The Last Pogi (BXB 2019) by Ai_Tenshi
Ai_Tenshi
  • WpView
    Reads 421,203
  • WpVote
    Votes 16,815
  • WpPart
    Parts 40
At ngayong 2019, malugod kong inihahandog sa inyo ang pinaka huling miyembro ng grupo. Si Gorien Merrick Raval "Gomer" ang tinaguriang "The Last Pogi". Siya pinaka bagong tauhan na tiyak na hahangaan at mamahalin ninyo kaya naman samahan natin siya sa kanyang pag lalakad sa Compound ng Sitio Bagong Buhay, Bagong Pag Asa Street at dito ay papatunayan niya na "huli man raw at magaling ay naihahabol rin."
NO STRINGS ATTACHED by cold_deee
cold_deee
  • WpView
    Reads 522,536
  • WpVote
    Votes 19,691
  • WpPart
    Parts 50
-COMPLETED- CONTENT: [BxB] Romance / Comedy / Heavy Drama / Slice of Life Synopsis: Sa loob ng sampung taon na magkakilala, paano nabuo ang samahan nina Randy at Rigo na higit pa sa magkaibigan ngunit hindi nila mabigyan ng titulo? Si Randy Liam de Torres --- Matalinong tao kaya madaling naabot ang pangarap sa buhay na hinangad nito. Ngunit, sa kabila ng tagumpay ay iilan lamang ang nagmamalasakit dito. Iilang kaibigan lamang ang mayroon dahil sa hindi magandang pag-uugali nito. Mas ikinatutuwa niya kung siya ay isusumpa o kagagalitan. Pero sa kabilang banda, mayroon kayang nagtatago sa personalidad niyang ito? Mayroon kaya siyang mabigat na pinagdaanan sa buhay upang maging ganito? Kung mayroon man at atin iyong malalaman, patuloy pa rin kaya natin siyang kamumuhian? Si Rigo Silvestre --- Isang mayaman at tanyag sa larangan ng pagmomodelo at pagluluto. Iniidolo ng lahat dahil sa taglay na kababaang-loob. Maaari niyang makuha ang ano mang bagay o ang kahit sino kung gugustuhin lamang nito. Ngunit sa kanyang sarili, may isang bagay lang siyang gusto --- ito ay ang makuha at mapaibig ang taong sampung taon na niyang binabantayan dahil sa ito ang itinitibok ng kanyang puso. Tunghayan ang kanilang kwento na magbibigay kahulugan sa tunay na pag-iibigan. Saksihan ang samahang puno ng kulay tulad ng isang bahaghari na maaaring magbigay inspirasyon at magandang karanasan. Kilalanin si Randy na bida-kontrabida sa kwentong ito, at si Rigo na magpapa-ibig sa inyo. ***Side story po ito ng una kong isinulat na 'Taste of a True Love'. Pero maaari n'yo rin po itong basahin kahit hindi n'yo pa iyon nababasa. Salamat. HIGHEST ACHIEVEMENT RANK IN ROMANCE CATEGORY: #185 GENERAL FICTION: #82 Started: December 2016 Completed: December 2017
The Devil Beside Me by Zildjian11
Zildjian11
  • WpView
    Reads 29,571
  • WpVote
    Votes 1,010
  • WpPart
    Parts 26
Sa limang magkakaibigan si Jay Iglesias ang nabansagang walang sense of commitment and responsibility sapagkat walang trabaho at relasyon ang nagtatagal sa kanya. Madali raw siyang magsawa at mawalan ng gana sa ano mang bagay na kanyang pinapasukan. Sumuko na ang kanyang mga magulang na mapilit siyang panghawakan ang kanilang negosyo ngunit hindi ang kanyang mga kaibigan. Matatag ang desposisyon ng mga ito na mapatino siya at maging isang responsableng tao lalo na ang kanyang kababatang si Maki. Mga bata pa lamang sila ay madali na siyang napapasunod ni Maki sa mga gusto nito sa pamamagitan ng mga pamba-blackmail at kung anu-ano pang taktika para lamang hindi siya maka-alma. Ayos lamang sa kanya ang ginagawang pagmamanipula sa nito sa kanya. Nagi-enjoy din naman kasi siya sa nakukuha niyang atensyon dito at kapag napapasakit niya ng husto ang ulo nito. Isama mo pang kapag tinutukso sila nito ng mga kaibigan nila ay naasar itong lalo. Ngunit sumobra ang pagiging pakialamero nito nang pati ang kanyang pakikipagrelasyon ay pinakialaman nito. Nagdulot iyon ng gulo sa pagitan nilang dalawa. Ano ang mangyayari sa pagkaka-ibigang pinatatag ng panahon? Mauuwi ba ito sa tuluyang pagwawakas o  isang mas malalim na damdamin ang mapupukaw?
Both Sides (BXB 2018) by Ai_Tenshi
Ai_Tenshi
  • WpView
    Reads 99,634
  • WpVote
    Votes 4,593
  • WpPart
    Parts 26
Base sa Korean BL na Night Flight Minsan ay kinakailangan mong lumakad sa bawat sulok sa buhay upang masabing ganap kang tao. Kinakailangan mong matalo upang manalo, maging mahina upang maging malakas, malungkot upang maging masaya. Ang konsepto ng "Both Sides" ay sumasalamin sa bawat sulok ng ating buhay, tungkol sa reyalidad at kung anong uri ng pag mamahal ang naka himlay sa bawat bahagi na ating ginagalawan. Ang bawat tauhan sa kwentong ito ay kumakatawan sa kung anong uri ng tao ang mayroon sa ating paligid, mga taong nag babaka sakaling mahalin at makahanap ng pag mamahal. Mga taong nag pupumilit lumaban kahit natatalo paminsan minsan. Mga taong matapang, takot, mahina at malakas. Samahan natin si Juno sa kanyang pag lakad sa mag kabilang sulok ng buhay. Tiyak na mag bibigay siya ng aral at inspirasyon sa ating lahat. Sa huli ng kwentong ito ay inaasahan na mas lalawak ang papanaw ninyo tungkol sa ating mga sarili at ganoon rin sa ibang tao.
Loving a Black Sheep by blackleaf26
blackleaf26
  • WpView
    Reads 380,856
  • WpVote
    Votes 1,460
  • WpPart
    Parts 5
Matutunan ko kayang magmahal sa kabila ng lahat ng aking pinagdaanan?
Takte Mahal Kita by blackleaf26
blackleaf26
  • WpView
    Reads 349,879
  • WpVote
    Votes 15,174
  • WpPart
    Parts 47
Dahil mukhang lasing si kupido nang panain niya kami ayun badtrip ang minahal ko.