sunmaruuramnus
- Reads 49,845
- Votes 1,064
- Parts 59
Marahan akong umakyat sa hagdan, pinipigilang gumawa ng ingay.
Tahimik na tahimik na ang buong mansion.
Madilim na ang pasilyo sa second floor - alas-dose na rin kasi ng gabi.
Pagdating ko sa tapat ng pinto ni Master Xavier, bahagya akong huminga nang malalim.
Kumatok ako ng mahina, Nang marinig ko ang boses ni master na Pinapasok niya ako..
Aabutin ko na sana ng kamay ko ang doorknob, nang biglang bumukas ang pinto sa katabing kwarto..
Napalingon ako - at doon, nagtagpo ulit ang mga mata namin ni Master Alessandro.
Sandali lang 'yon, pero parang tumigil ang oras.
Bago pa ako makapagsalita, bigla niya akong hinila papasok sa kwarto niya.
Hindi ko na nagawang mag-react - sa isang iglap lang, marahas na niya akong isinandal sa pinto.
"A-Alessandro!!" gulat kong sabi, halos hindi makahinga ng maayos.
Tinitigan niya ako nang mariin, 'yung titig na parang kaya akong basahin, kaya akong lamunin.
Kinabahan ako. Ramdam ko ang panginginig ng kamay ko habang pilit kong itinulak ang dibdib niya.
"B-bitawan mo ako..." halos pakiusap ko na.
Ngunit imbes na makinig, bahagyang ngumisi si Alessandro - 'yung ngiting mahirap basahin kung galit ba o nang-aasar.
At sa malamig na boses, dahan-dahan siyang sumagot,
"Ayoko nga."
ALESSANDRO VINZENZI STORY
The unwanted son