maysherylbasilio
Sa gabing madilim, liwanag mo'y nagniningning.
Sa katahimikan ng gabi, lungkot ang nananaig.
Mamasdan lang ang mumunti mong tala sa ningning mo'y bigay saya ang nadarama.
Mamasdan ka lang lahat ng masasayang alalala ,
Sa diwa ko'y umuukit sinta.
Ngunit asan ka na? Aking tala?
Mamasdan man ang kalangitan liwanag mo'y di na masilayan.
Maghantay man ng dis oras ng gabi liwanag mo'y di na masilayan.
Nasan ka na aking tala?
Aking lumbay pawiin mo na.
Dilim, lungkot at luha ang bumabalot sa akin sinta.
Kailagan kita...ngunit wala ka na.....
Sa aking paghimbing umaasa pa rin,
Sa bukas ng gabing darating tala'y magniningning.
Hanggang ngayo'y umaasa pa rin,
Ningning mo'y masisilayang muli.
Oh asan ka na aking tala?..
Kailangan kita....