Kaye Faves
3 stories
Thy Love by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 8,667,423
  • WpVote
    Votes 307,267
  • WpPart
    Parts 36
Thy Series #1 Si Celestina Cervantes ay isang binibini na may kapansanan sa pagsasalita. Nagmula siya sa isang mainpluwensiyang pamilya sapagkat isang gobernadorcillo ang kanyang ama. Ngunit nang yumao ito ay kinailangan niyang manilbihan upang mabuhay at bayaran ang utang ng kanyang ama na lingid sa kanyang kaalaman ay kabi-kabila pala. Sa paninilbihan bilang alipin ay muling magtatagpo ang landas nila ni Martin Buenavista, ang binatang nakatakda sanang ikasal sa kanya noon. Ano nga bang magiging papel ni Martin sa buhay ni Celestina gayong may ibang babae na siyang iniibig? Language: Filipino Book Cover by: ABS-CBN Books Date Started: January 05, 2018 Date Finished: June 05, 2019 Completed.
Lo Siento, Te Amo (Published by Taralikha) by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 4,175,688
  • WpVote
    Votes 182,380
  • WpPart
    Parts 38
"Wattys 2021 Winner in Historical Fiction Category" Si Agnes Salazar y Romero ay ikinasal sa lalaking malabong masuklian ang kaniyang pagmamahal dahil sa matinding galit nito sa pamilyang kaniyang kinabibilangan. Ang kanilang pagsasama ay puno ng lungkot, pasakit, at suliranin. Natuklasan ni Agnes ang lihim ng kaniyang asawa na si Alfredo na tuluyang sumira sa kanilang pagsasama. Nang dahil sa isang aksidente, tuluyang nagbago ang kanilang buhay. Sa muling pagtatagpo ng kanilang landas, magagawa bang balikan ni Agnes ang buhay sa nakaraan? O ang mapait na nakaraan kapiling ang dating asawa ang maging dahilan upang piliin niya ang bagong buhay kasama si Mateo? Hanggang saan ang kayang gawin ng isang taong nalugmok sa pagsisisi, panghihinayang, at pag-ibig? Started: December 31, 2020 Completed: August 9, 2021
Until He Returned (Book 2 of Until Trilogy) by jonaxx
jonaxx
  • WpView
    Reads 96,827,305
  • WpVote
    Votes 2,217
  • WpPart
    Parts 1
Nang malaman ni Klare na hindi siya tunay na anak ng kanyang kinilalang ama, nag bago ang ikot ng kanyang mundo. She's torn between her love for her family and her desire to seek for the fragments of her real identity. Sa kalagitnaan ng lahat ng ito, pilit din siyang binabalikan ng mga alaala ng nakaraan. Her past is haunting her. But she knew it is impossible to turn back the time. Pinanindigan niya ang mga nagawang desisyon noon at tanggap niyang may mga tao na dumadadaan lang ngunit hindi nagtatagal. Ngunit paano naman ang mga umaalis at magbabalik? Sa pagbabalik ba ng kanyang minamahal matitibag ang kanyang mga paniniwala at desisyon? How will she handle him now that he's back? Will she fight now? Now that he's returned?