HadukinPre's Reading List
2 stories
SAGADA by beautymute
beautymute
  • WpView
    Reads 120,130
  • WpVote
    Votes 3,714
  • WpPart
    Parts 17
SAGADA Inspired by the song "SAGADA" by Cup of Joe WYATT ALEXIS GATCHALLIAN She vowed her life to God. He never believed in forever. So why does it feel like their hearts were written in the same prayer? AYOKONG IKASAL. I never dreamed of a wedding. It was beautiful, sure---for some. But not for me. Hindi 'to ang buhay na inaasahan ko. Hindi ang pinto na 'yon ang naghihintay sa'kin. Hindi sa ganitong paraan ako magsusuot ng telang puti. Hindi. Ayoko. Hindi ito ang pinlano ng Diyos para sa'kin. Because my dream was different. I thought I heard it in the stillness of dawn, in the hush of chapel walls, in the gentle rhythm of prayers. I thought I knew the life God was calling me to live. But then, he came---Wyatt Alexis Gatchallian. Parte ng isang bandang kinakabaliwan ng lahat. His life is loud music, late nights, fleeting kisses, and freedom without consequence. Palaging lasing. Palaging magulo. Palaging hindi ko maintindihan. and yet somehow, he's the one I'm told to marry. Arranged. Unexpected. Unwanted. I wanted to serve God. They wanted me to serve tradition. Now I'm stuck in the space between this mess. Between a God I've always loved and a man I never asked for... Pero bakit habang tumatagal parang hindi na makuhang lumayo pa ng mata ko sa pagtingin sa kaniya. The more I try to push him away, the more he starts to feel like a hymn I never meant to memorize. And maybe... just maybe... He's been searching for something sacred, too. How do you choose between a calling you've always known... and a love you never saw coming? 05/22/25
Dosage of Serotonin by inksteady
inksteady
  • WpView
    Reads 39,170,230
  • WpVote
    Votes 1,322,012
  • WpPart
    Parts 47
Started: 04/27/2021 Ended: 08/24/2021 Ang hirap palang tumanda. Ang hirap magbayad ng bills. Ang hirap suportahan ng pamilyang akala ay isang milyon ang suweldo mo. Ang hirap ngumiti sa nanay na mataas ang tingin sa'yo pero hindi ka kayang ipagtanggol. Ang hirap tabihan sa hapagkainan ng tatay na pinag-uubusan mo ng pera pero hindi ka maalala. Ang hirap mag-abot ng tulong sa kapatid na baon sa utang. Ang hirap intindihin ng hipag na nakakapagpa-rebond pa kahit kapos na kapos na. Ang hirap pakisamahan ng bunsong halos ilahad ang mga palad tuwing makikita ka. Ang hirap ngitian ng mga taong tanong nang tanong kung bakit hindi ka pa nakakapag-asawa. Ang hirap humarap sa mundong isasampal sa'yo na mag-isa ka. Tulong, bigay, utang. Isang iling mo lang, madamot ka na. Kasama mo sila kapag may maibibigay ka, pero hindi mo sila mahahanap kapag wala na. Ikaw ang kakayod, sila ang tutuka. Ikaw ang iiyak sa pagod, sila ang magtatamasa. Iyon ang summary ng buhay ko. Sobra-sobra ang naririnig na paghingi, kulang na kulang ang naririnig na pasasalamat. Sobra-sobra ang pagpapasensya, kulang na kulang ang natatanggap na pagpapahalaga. Sobra-sobra ang binabayaran, kulang na kulang sa kasiyahan. Kaya nang dumating sa buhay ko ang nag-iisang lalaking hindi ako nakita bilang naglalakad na alkansya, ang nag-iisang lalaking nakinig sa mahabang listahan ko ng problema, ang nag-iisang lalaking nagbigay sa akin ng kakaibang saya, ipinangako ko sa sarili na sa gitna ng hirap ng pagtanda, magtitiis ako basta't siya ang kasama. Kahit pa ang kapalit noon ay pagtalikod sa minahal na pamilya. Kahit pa ang kapalit noon ay paglaban sa mundong pinatatakbo ng kapangyarihan at pera. Kahit pa ang kapalit noon ay ang pagdurusa't pag-iisa. Siya ang ginhawa, pahinga, at kasiyahan ko. Dumating man ang araw na tanaw ko na ang dulo. Dumating man ang araw na wala na kaming sagot sa lahat ng bakit at paano. Dumating man ang araw na pareho na kaming talo.