PRECIOUS HEART ROMANCE
13 stories
Adam's Verdict PHR (COMPLETE) by greciareine
greciareine
  • WpView
    Reads 129,842
  • WpVote
    Votes 2,479
  • WpPart
    Parts 11
"If I'm going to give myself a verdict right now, I'm definitely guilty. Guilty of loving you then and even now." Naniniwala si Jenna na natagpuan na niya ang lalaking para sa kanya-si Nick. Bukod sa guwapo at mayaman ay alam niyang mahal na mahal siya nito. But on their wedding day, Nick jilted her. Dahil sa nangyari ay galit na galit siya sa lalaki at determinado siyang sampahan ito ng kaso. Ini-refer naman siya ng isang kaibigan sa magaling na abogado-si Adam. Maliit nga lang talaga ang mundo dahil si Adam ang kanyang ultimate college crush at napakalaki ng kasalanan niya rito. Minsan na niyang sinira ang pangalan nito dahil sa isang eskandalong kinasangkutan nilang dalawa. Akala niya ay matagal na niyang nalimot ang batang damdamin ngunit nagkamali siya dahil muling nahulog ang loob niya kay Adam. Lagi kasi itong nasa tabi niya sa mga panahong kailangan niya ng karamay. Ang masaklap nga lang, hanggang ngayon ay mukhang hindi pa rin siya kayang pagtuunan ng pansin ni Adam. Sa paningin ng binata ay siya pa rin ang spoiled brat na naging estudyante nito at sumira sa maganda nitong reputasyon.
More Than I Feel Inside COMPLETED (Published by PHR) by PHR_Novels
PHR_Novels
  • WpView
    Reads 575,070
  • WpVote
    Votes 8,608
  • WpPart
    Parts 23
More Than I Feel Inside By Jelaine Albert "Whatever happens, even if my heart stops beating, it will not stop from loving you." Unang beses pa lamang na nagtama ang mga mata nila, alam na ni Althea na umiibig na siya kay Gabriel. At wala na siyang ibang pinangarap kundi ang maging kanya ang binata. Nangyari naman ang inaasam niya; she became Mrs. Gabriel Vasquez. Ngunit sa pangalan lamang sila naging mag-asawa dahil labis na kinasuklaman ni Gabriel si Althea. Iyon ay dahil isang kasunduan lamang sa pagitan ng mga magulang nila ang nangyaring kasalan at si Althea ang labis na sinisisi ni Gabriel sa bagay na iyon. Despite everything, she still loved him and she would take every risk to make him love her, too. And fate had been so kind to her. He fell in love with her, too. Subalit kung kailan may katugon na ang damdamin niya kay Gabriel, saka naman niya nalaman na nasa panganib ang kanyang buhay na nakatakdang maglayo sa kanya sa asawa. Will fate still be on her side?
Forget Me Not COMPLETED (Published by PHR) by PHR_Novels
PHR_Novels
  • WpView
    Reads 351,120
  • WpVote
    Votes 5,401
  • WpPart
    Parts 20
Forget Me Not By Gazchela Aerienne "Hindi pala kailanman mapipilit ang puso na mahalin ang isang tao. You'll feel it naturally." Aeriella "Eilla" Eisenhauer is a brat-multibillionaire daughter. Wala siyang ginusto na hindi nakukuha. Ngunit sa kabila ng karangyaan ay naghahanap ng seryosong relasyon. Hanggang sa nakilala niya si Akito, ang lalaking hindi yata aware kung sino si Eilla sa East Hampton. Nakipaglapit si Eilla sa lalaki; pinatulan din naman ni Akito ang pakikipaglapit ng dalaga. She thought she already found the one. Pero isang araw ay biglang nawala ang kanyang the one.Umalis si Akito at nangakong babalik. Pero naka-graduate na't lahat si Eilla ay hindi pa rin niya nakita kahit ang anino ng lalaki. Nagkrus lamang muli ang kanilang mga landas nang magbakasyon si Eilla sa Pilipinas. She was sure he was that same guy. Pero paano tatanggapin ni Eilla na ang lalaking nakilala niya noon ay isa lamang kathang-isip? Na ang lalaking minahal niya ay wala nang natatandaang kahit ano tungkol sa kanya. Akito wasn't Akito anymore. He was using a different name-Thaddeus Montreal.
Tuloy Pa Rin Ang Pag-ibig (Published under PHR) by AkoSiAnjBuena
AkoSiAnjBuena
  • WpView
    Reads 204,063
  • WpVote
    Votes 3,479
  • WpPart
    Parts 27
Dahil sa sakit na dulot ng unang pag-ibig ay pinili ni Katelyn na maging loner. Inabala niya ang sarili sa pagtatrabaho bilang interior designer kaysa gayahin ang kapatid na si Anika na napakahilig sa adventure at sa mga gimik. Tuloy ay madalas siyang tawagin ni Anika na antisocial. Na ipinagkibit-balikat lang niya. Ngunit gumawa ng weird na rule ang kanilang ina. "Anika can only date if Kate will date." Halos gumuho ang mundo nilang magkapatid. Si Anika ay hindi na matutupad ang nais na magka-boyfriend dahil imposibleng makipag-date si Katelyn. Si Katelyn naman, pakiramdam niya ay bibitayin dahil ayaw na niya sa pakikipagrelasyon. Ang masaklap pa ay desidido ang kanilang ina na ihanap siya ng kasintahan. She even found her a date! Ang mayabang niyang kinakapatid galing New York na si Darvin na ubod ng babaero. Duda siya kung magkakasundo sila at kung magagawa ni Darvin na baguhin ang paniniwala niyang walang forever sa pag-ibig.
Love Trap (COMPLETED) Published by PHR by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 923,130
  • WpVote
    Votes 19,674
  • WpPart
    Parts 32
Naniniwala siyang higit ang pagtinging inuukol niya kay Lola Emilia kaysa sa sarili nitong apo, si Robb, whose true to life experience was made into a movir and became a big hit. Kaya walang dahilan upang tumanggi si Serena sa suhestiyon nito na magkunwari silang magkasintahan upang mapaligaya ang mga huling araw ng buhay ng matanda. Mula sa inosenteng pagkukunwaring iyon ay natagpuan niya ang sariling taglay na ang pangalan ni Robb nang magpakasal nila- kasal na tiniyak ni Robb na ipaa-annul nito sa sandaling matapos na ang silbi niyon. Subalit habang lumilipas ang mga araw ay natagpuan ni Serena ang sariling umiibig dito. Subalit paano ang nalalapit nilang annulmentÉ At ano ang gagawin niya gayong dinala ni Robb sa bahay nila ang magandang babae sa katauhan ni Yvette?
Only You (COMPLETED) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 880,231
  • WpVote
    Votes 16,066
  • WpPart
    Parts 18
Maari ko bang hingin ang gabing ito, Nico? Love me, please..." isang araw ay sinabi ni Erika sa lalaki. Dose anyos pa lamang siya ay hindi na niya gusto si Nico; ang anak ng stepfather niya. Sampung taon ang ang lumipas ngunit walang nagbago sa damdamin niya. At ang dislike ay nauwi sa hatred nang ilayo siya ni Nico kay Cholo nang araw na handa na niyang ipagkaloob ang sarili sa kasintahan. Ano ang nangyari at tila nagmamakaawa siya ngayong hingin ang pag-ibig ni Nico?
Love Drunk COMPLETED (Published by PHR) by PHR_Novels
PHR_Novels
  • WpView
    Reads 1,894,423
  • WpVote
    Votes 30,629
  • WpPart
    Parts 42
Love Drunk By Belle Feliz "I think I've been in love with you from the moment I first laid eyes on you." Tanggap na ni Elizabeth na nakatakda siyang mag-isa habang-buhay. Pero nang makilala niya si George ay hindi niya inakalang babaguhin nito ang buhay niya. They spent a night together. The next day, saka niya nakilala kung sino si George, kung gaano kalaki ang pangalan nito sa mundo ng telebisyon at kung gaano ito nirerespeto ng mga tao. Kaya nang malaman niyang nagbunga ang isang gabing pagsasama nila ay natakot siyang ipaalam ang tungkol sa anak nila at ikaila sila nito. Sa halip, pilit na lamang niya itong kinalimutan. Naging masaya siya sa pagiging ina; halos wala na siyang mahihiling pa. Pero may sariling paraan ang tadhana upang pagtagpuin sila ni George. Muli, binago nito ang buhay niya. He made her want things that were romantic and permanent. He made her want him so badly. Kahit nagsusumigaw ang isa na namang katotohanan sa pagkatao nito...
My Fantasy, My Reality (PHR 2012) by CelineIsabellaPHR
CelineIsabellaPHR
  • WpView
    Reads 72,578
  • WpVote
    Votes 1,603
  • WpPart
    Parts 10
Bagaman tutol si Ria sa kagustuhan ng kanyang ama na ipakasal siya sa hindi pa niya nakikitang anak ng kaibigan nito, wala siyang magawa. Iyon lang kasi ang makakapagsalba sa nalulugi raw na negosyo nila. Wala naman siyang boyfriend kaya pumayag siya. Itinuring na lang niyang isang business deal ang lahat dahil parehong makabubuti sa mga pamilya nila ang pag-iisang-dibdib na iyon. Walang mawawala sa kanya kung papayag siya. Ngunit ilang linggo bago ang nakatakdang pagkikita nila ng mapapangasawa niya, bigla niyang napagtanto na may mawawala pala sa kanya. Dahil nakilala niya si Ulan at binagyo nito ang nananahimik niyang puso...
Impostor - COMPLETED (Published by PHR) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 1,549,152
  • WpVote
    Votes 34,890
  • WpPart
    Parts 25
Bago siya nawalan ng malay ay si Divina Ventura siya, a twenty-year-old student. Nang muli siyang magmulat ng mga mata'y siya na si Mariz Florencio. Twenty-nine and married to a famous handsome businessman, Jason Florencio. At tinaglay niya ang pinakamagandang mukhang nasilayan niya. At ang lalaking ninais niyang hangaan ang kagandahan ng mukha niya'y kinasusuklaman siya. Hindi siya maaaring manatiling asawa ni Jason dahil nakatakda siyang idiborsiyo nito. At lalong hindi siya maaaring bumalik bilang si Divina Ventura dahil taglay niya ang mukha ni Mariz Florencio. Kasamang namatay ng tunay na Mariz ang mukha ni Divina. Kaninong identity ang tataglayin niya?
Be My Love, Katherine COMPLETED (Published by PHR) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 596,641
  • WpVote
    Votes 12,016
  • WpPart
    Parts 18
"I'll make you fall in love with me, Katherine. Maybe then... you'll stay." Makalipas ang sampung taong paninirahan sa Amerika ay nagbalik si Katherine sa bayan nila. Hindi upang manatili kundi upang sapilitang magbigaygalang sa tinakasang ama. Doo'y muling nakita ng dalaga si Emilio, na isang munting bahagi lamang ng kabataan ni Katherine. Aakalain ba niyang an payat at matangkad na Emilio noon ay isang guwapong "hunk" na ngayon? Ngunit paano palalayain ni Emilio si Katherine sa isang masakit at di-malimot na kahapon.