AlvinCusipag's Reading List
7 stories
Lord Of The Dead Beasts [Volume 3: Hero of the Dreadland] by heysomnia
heysomnia
  • WpView
    Reads 197,062
  • WpVote
    Votes 16,201
  • WpPart
    Parts 53
Upang talunin ang Sect Master ng Arial Sword Sect - ang tanging susi sa pagtunton sa taong nagbigay ng Lavender Cursed Stone kay Jedan - kailangang makamit ni Grim ang imposible: ang pagkadalubhasa sa pag-eespada. At alam niyang iisang tao lang ang makakatulong sa kaniya - si Mival Wilxes - ang kaniyang unang guro na siyang nagligtas sa kaniya sa pagkaalipin, at ang taong nagturo sa kaniya kung paano mangarap nang mataas. Ngunit nawawala ito. Huli itong namataan sa Dreadland - isang sagradong lupain na tinitirhan ng mga Buddharmas, mga nilalang na kinamumuhian ang sangkatauhan. Gayunman, tila ipinahihiwatig ng mundo na hindi pa siya handa - kailangan pa niyang maghintay at magpalakas. Ngunit paano siya maghihintay kung ang bawat segundo ay mahalaga? At kung impyerno ang kailangan niyang pasukin upang iligtas ang buhay ng isa sa iilang taong naniwala sa kaniya- Sisiguruhin niyang ang impyerno mismo ang luluhod sa harapan niya. ©Book Cover Illustration by my self
Legend of Divine God [Vol 17: Against the Devils] by GinoongOso
GinoongOso
  • WpView
    Reads 822,461
  • WpVote
    Votes 94,793
  • WpPart
    Parts 122
Synopsis: Pagkatapos ng lahat ng kaganapan sa Divine Realm, walang dudang si Finn na ang kikilalaning pinakamakapangyarihang emperador sa lahat. Matagumpay niyang napaslang si Kardris. Siya ang naging susi para maipanalo ng kaniyang hukbo ang digmaan. Ang lahat ay umaayon sa kaniyang plano, subalit, nagsisimula na ring magparamdam ang kaniyang mga totoong kalaban. Magagawa kaya ni Finn na makuha ang pamumuno sa alyansa na tutugis sa mga diyablo? At sa pagkakataong ito, magtatagumpay na kaya sila na tuluyang matuldukan ang kasamaan ng mga kasuklam-suklam na nilalang? - Cover by @heysomnia Date started: Jan 1, 2025 (wattpad) Date ended: April 29, 2025 (wattpad)
G U A R D I A N S by BinibiningEnero
BinibiningEnero
  • WpView
    Reads 4,328
  • WpVote
    Votes 748
  • WpPart
    Parts 22
Ika-25 araw ng Disyembre, 2015. Isang matinding berdeng liwanag ang bumalot sa buong daigdig, nagdulot ng gulat, pangamba, at paghanga sa sangkatauhan. Sa gitna ng kaguluhang iyon, isang binata ang nakatayo, tahimik ngunit matatag, nakatitig sa dambuhalang tarangkahan na nakabitin sa himpapawid---ang tarangkahan ng kapalaran. Sa kanya nakasalalay ang lahat: Ito ba ang wakas ng lahat . . . O ang simula ng bagong mundo? --- Language: TAGALOG 🇵🇭 Status: ON GOING 📝 (Every week or two weeks ang pagpupublish ng mga bagong chapters) Genre: FICTION Sub-genre: Hopepunk Fantasy Setting: Contemporary Mythic Fantasy Word count: minimum of 2,500 and maximum of 3,500 words per chapter. 📝
ELEMENTS by Ciel0Sky
Ciel0Sky
  • WpView
    Reads 114,079
  • WpVote
    Votes 2,728
  • WpPart
    Parts 35
Sa bayan ng Zen kung saan ang panahon ay nalalapit na sa hinaharap dahil na rin sa mga makabagong makinarya pati na rin mga robot maliban dun ay nadiskubre din ang tungkol sa kung papaano gagamitin ang kabuuang pag-iisip ng isang tao na tinatawag na mind power ngunit sa kabila ng magandang pagbabago at pagkadiskubre ay may kasamaan naman itong dulot lalo na sa kalikasan at dito papasok ang ating mga bida upang tumulong sa pagsasaayos ng balanse ng mundo.
Lord Of The Dead Beasts [Volume 1: Blessing Of The Abyss] by heysomnia
heysomnia
  • WpView
    Reads 97,761
  • WpVote
    Votes 7,960
  • WpPart
    Parts 40
Walang pangalan. Walang kalayaan. Isa lamang na alipin si Grim - hanggang sa isang gabi, tinulungan siya ng isang misteryosong mersenaryo upang makatakas. Gayunman, ang dati niyang amo ay natunton siya't walang awang pinaslang. Dapat ay doon na nagtatapos ang kaniyang kuwento. Pero hindi. Isang misteryosong boses mula sa hinaharap ang bumulong ng kakaibang salita sa kaniyang isipan: "System, now downloading, Advanced Class: Lord of the Dead Beasts." Mula sa kamatayan, si Grim ay muling nabuhay. At sa kaniyang paggising, taglay na niya ang kapangyarihang muling buhayin - at kontrolin - ang mga bangkay ng Magus Beasts. At ngayon, hindi na siya alipin. Isa na siyang nilalang na hindi na kaya pang itali ng kadena o isumpa ng kasuklam-suklam niyang marka. Ang pangalan niya ay Grim Lancaster... at dala niya ang bangis ng libo-libong mga Magus Beasts. Ang mundo ay magluluksa. At ang kaniyang paghihiganti... AY DITO PA LANG MAGSISIMULA Bookcover by: @Patzgeraldt Date Started: January 01, 2025
Elements 2:Frenemies by Ciel0Sky
Ciel0Sky
  • WpView
    Reads 6,604
  • WpVote
    Votes 236
  • WpPart
    Parts 25
YEAR 2020 Sa panahong ito ay natuklasan ng mga siyentipiko na maaring magamit ng tao ang kanilang isip ng buong-buo...merong Telekinesis at Telepathy pati narin ang mga ilang bagay na di kayang gawin ng normal na tao lamang ngunit may mga taong umabuso ng pagkatuklas dito kaya lumalala pa lalo ang krimen sa kapuluan....Dahil sa mga pangyayaring ito ay may mga taong nakatuklas naman ng kanilang kakayahan na higit pa sa natuklasan ng mga siyentipiko at yun ay gumamit ng mga elementong nagpapatakbo sa mundong ito...magawa kaya nilang kontrolin ang mga kapangyarihan nila o baka magsilbi lamang itong hudyat ng katapusan.... Makalipas ang nangyareng pakikipaglaban sa itim na dragon ay kumawala sa kung saan-saan ang mga beam na may iba't ibang kulay ay ito'y tumama sa kung saan ang alam lamang ng mga magkakaibigan ay lilikha nang hukbo ang itim na dragon sa pamamagitan nun pero paano pala kung nagkamali ang itim na dragon at ang magkakaibigan?sino-sino kaya ang mga panibagong tauhan na makikilala nila,sila ba ay kaibigan o kaaway?
DRAGONNIA: rise of the LEGENDARY WARRIOR by senpaiNAEL
senpaiNAEL
  • WpView
    Reads 324
  • WpVote
    Votes 8
  • WpPart
    Parts 70
isang 18 years old na lalake ang itinakda upang maging isang Legendary warrior, ngunit hindi sya taga Dragonnia... kundi taga ibang dimensyon makakayanan kaya nya na tuparin ang itinakda sa kanya? subaybayan ang kwento ni Etan at ang mga tutulong sa kanya sa paglaban sa mga Mythical creatures at ang itinadhana sa kanya na paslangin ang Black Dragon at sugpuin ang ginawa nitong Dark army. a story of hope, love, drama, action and ADVENTURE.