artíza Reading List
17 stories
Babaylan by purpleyhan
purpleyhan
  • WpView
    Reads 1,579,284
  • WpVote
    Votes 85,129
  • WpPart
    Parts 48
Mula sa pamilya ng historians at archaeologists, lumaki si Cyrene na may malawak na kaalaman sa kasaysayan. Ngunit sa hindi inaasang pagkakataon ay napunta siya sa panahong hindi puspusang naibahagi o naitala sa mga aklat tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas, at nakilala ang isang tanyag na ngalan sa mga alamat -- si Prinsesa Urduja. Sa bilis ng mga pangyayari ay natagpuan na lamang niya ang kanyang sarili bilang punong babaylan ng nayong pinamumunuan ng prinsesa. At sa kanilang mga kamay nakasalalay ang muling paghahabi ng kasaysayang minsan nang nakalimutan.
The Rain That Reminds Me Of You by chiharabanana
chiharabanana
  • WpView
    Reads 431,539
  • WpVote
    Votes 17,482
  • WpPart
    Parts 44
Aksidenteng napunta sa panahon ng 1941 si Euphie Encarnacion matapos niyang sundan ang isang babae sa gitna ng ulan. At dahil nag-iisa lang siya sa ibang lugar at oras, Tinulungan siya ng isang lalake at nagbukas ng bahay para sakaniya. Pero ngunit hindi siya makapaniwala nang mapansin niyang ang taong ito at ang hinala niyang dating karelasyon ng Lola niya ay.. Iisa. Kaya lang, mukhang siya rin mismo ay nahuhulog na rin sa binata! Book Cover illustration is made by ME! YES, the one and only me. Check out the published book here: https://www.ukiyoto.com/product-page/the-rain-that-reminds-me-of-you-paperback
My Handsome Katipunero by JanelleRevaille
JanelleRevaille
  • WpView
    Reads 973,297
  • WpVote
    Votes 39,652
  • WpPart
    Parts 59
[HIGHEST RANK: #1 in Historical Fiction - April 22, 2018 #3 in Historical Fiction - November 14, 2016] ✔COMPLETED [Currently Editing] Malaki ang paghanga ni Kristin Lopega sa mga artista at mangangawit ng bansang America. Dahil sa sobra niyang paghanga sa mga ito ay ginagaya nya rin ang pananamit at lifestyle nila. Tinatangkilik niya ang mga produktong banyaga. At dahil lumaki siyang nakahain na ang luho sa harapan ay pabalik-balik siya kung pumunta sa iba't ibang bansa. Kulang na nga lang manatili siya doon ng tuluyan kung hindi lang dahil sa kanyang ina. Ang kanyang mga magulang ay mga kilalang Filipino Historian. Kaya tutol ang mga ito sa kinaaadikan ng kanilang anak. Bukod sa pagkasuklam niya sa sariling lupang sinilangan, siya rin ay maldita, suplada at mapangmata. "Alam mo, sana bumalik ka sa mga panahon kung saan isinakrispisyo ng mga bayani ang sarili nila para sa kalayaan," nasabi sa kanya ng kanyang ina ngunit binalewala lamang niya ito at natulog. Ngunit pano kung paggising niya ay bumalik siya sa taong 1896? At paano kung makilala niya si Antonio Hidalgo, ang gwapong katipunero ng Kataastaasang, kagalanggalangang katipunan ng mga anak ng bayan? Siya na ba ang babago sa isang Kristin Lopega? Siya na ba ang tutunaw sa yelong nakapalibot sa puso ng ating bida? Date Published: June 12, 2016 Dated Finished: April 18, 2018
Diferente Caras de Amor by JohnnyAlf
JohnnyAlf
  • WpView
    Reads 6,565
  • WpVote
    Votes 495
  • WpPart
    Parts 38
One of the 2021 Watty Awards Shortlist (Different Faces of Love) SYNOPSIS: Si Marcela Miraflor ay isang masiyahing binibini na ang tanging hangad lang ay ang kapayapaan para sa kaniyang pamilya, kaibigan at mga ka-barrio. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay pumasok siya sa magulong mundo ng mga Alta Sociedad, insulares man o peninsulares na talagang ginagalang at tinitingala ng nakararami sa kanilang maunlad na bayan ng Monte Calisto. Sa panibagong yugto ng kaniyang buhay ay marami siyang naranasang problema at pagsubok. Ngunit sa gitna ng mga panyayaring iyon ay nakadaupang-palad niyang muli ang Ginoong nagpatibok ng kaniyang puso labintatlong taon na ang nakakaraan, si Heneral Carlos Claemente. Paano nga ba niya malulutas at malalaman ang mga rebelasyong kinubli ng nakaraan na ginagawang komplekado ng kasalukuyan? Paano niya tatanggapin sa sarili na ang Ginoong tinatanaw niya noon mula sa malayo ay magpapakasal sa iba? "Mahal kita ngunit napagtanto kong may mahal ka na palang iba." Ikaw ang siyang tumuklas ng sagot **** Start: 08/03/20 End: O8/22/21
Mirror of Past And Present by JohnnyAlf
JohnnyAlf
  • WpView
    Reads 324
  • WpVote
    Votes 52
  • WpPart
    Parts 10
[The Prequel of Diferente Caras de Amor] SYNOPSIS: She is April Jane Llamoso from the year 2020 and she is Roselia Samonte from the year 1880. They're completely living their lives full of struggles and conflicts. Then suddenly, the mirror appears. Inside the Theater of Acapezillo, beside the piano. In just a second, their lives in the past and present- exchanged. **** Date Started: 08/23/21 Date Ended: ?
Guhit, Sukat at Tugma by JohnnyAlf
JohnnyAlf
  • WpView
    Reads 1,368
  • WpVote
    Votes 106
  • WpPart
    Parts 22
SYNOPSIS: Isang binibini na bihasa sa pagpinta ng isang obra at isang ginoo na bihasa naman sa paglikha ng matatalinhagang mga tula. May kanya-kanyang buhay na sinusuong, mga nakasanayang gawain at pangarap na ibig abutin. Ngunit paano kung ginuhit ng tadhana ang kani-kanilang talento upang ipagtagpo? Paano kung sa hindi sukat akalaing pagkakataon ay magkrus ang kanilang landas? Ang talento at pagbugso ng kanilang puso ba'y magiging tugma? [A/N]: Pakinggan niyo po ang 'Ikaw Lang' at 'Unang Sayaw' by Nobita. Iyon po ang nababagay na awitin sa nobelang ito. **** Start: 11/25/21 End: ?
Penultima by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 131,620
  • WpVote
    Votes 2,526
  • WpPart
    Parts 10
Lumaking hindi kilala ang tunay na mga magulang, maagang namulat si Leroncillo San Roque sa kalupitan ng mundo. Ngayong nabigyan siya ng pagkakataong maipaglaban ang pagkakapantay-pantay, handa ba siyang isakripasyo ang lahat maatim lang ang hinahangad na tagumpay? *** Mulat sa bulok na sistema ng lipunan, tumatak sa isipan ni Leroncillo San Roque ang kawalan ng hustisya at hindi patas na trato sa mga mahihirap. Bagama't lumaki sa kalinga ng isang prayle, hindi pa rin naging madali ang daloy ng kaniyang buhay. Patuloy pa rin siyang sinusubok ng mga tao, ng pagkakataon, at ng tadhana. Ngayong naipit si Leron sa isang sitwasyon na maaaring magpahamak sa mga taong mahalaga sa kaniya, ano nga ba ang tamang hakbang upang makamit niya ang inaasam na kalayaan at hustisya? Magagawa ba niyang linlangin ang kalaban at mailigtas ang kaniyang amain at mga kaibigan? O mapupunta lamang ba sa wala ang lahat ng kaniyang pinaghirapan? Cover Design by Louise De Ramos
Bride of Alfonso (Published by LIB) by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 5,325,822
  • WpVote
    Votes 196,668
  • WpPart
    Parts 31
"Wattys 2021 Winner in Historical Fiction Category" Sa loob ng labinlimang taon, ang makasal sa kababata niyang si Enrique Alfonso ang tanging pinapangarap ni Estella Concepcion. Ngunit nagbago ang lahat nang makilala niya si Lucas, ang pinsan at karibal ni Enrique sa politika. *** Makatwiran at hindi nagpapatalo, lumaki si Estella Concepcion na patuloy na umaasang magkakatuluyan pa rin sila ni Enrique Alfonso, ang batang nagpagaan ng kanyang loob labinlimang taon na ang nakararaan. Ni minsan ay hindi nawala ang kanyang paghanga at pagtingin sa binata na siyang magiging susunod na gobernadorcillo ng bayan ng San Alfonso. Ngunit tila gumuho ang kaniyang mundo nang mapag-alaman niyang ipinagkasundo na ito sa ibang dalaga. Desididong mapangasawa pa rin ang binata, hihingin ni Estella ang tulong ni Lucas, ang pinsan ni Enrique. Sa paglipas ng panahon at sa mga sikretong kaniyang matutuklasan, handa pa nga rin bang gawin ni Estella ang lahat upang maikasal sa binatang matagal na niyang inaasam? O tulad ba ng ihip ng hangin ay magbabago rin ang isinisigaw ng kaniyang puso? Cover Design by Precious Pages Corp./LIB Books Book Type: Hardbound (With Book Jacket Cover)
Hiraya (Published by Flutter Fic) by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 2,302,863
  • WpVote
    Votes 88,432
  • WpPart
    Parts 22
Ang Ikalawang Serye. Si Aurora Lacamiento ay mayroong malubhang karamdaman mula pagkabata. Sa loob ng ilang taon ay naging sandigan niya ang pagbabasa ng mga nobela. Isang gabi, sa huling sandali ng kaniyang buhay ay napagkalooban siya ng kahilingan - ang hiling na magdadala sa kaniya sa iba't ibang mundo ng mga paborito niyang kuwento sa tulong ng isang misteryosong lalaki na siyang sugo ng Buwan. Sa kanilang paglalakbay sa iba't ibang nobela ay naranasan ni Aurora ang mga bagay na hindi niya pa nagagawa at natutuklasan. At sa bawat araw na dumaraan ay hindi niya mapigilan ang hangarin na tuklasin kung sino ang misteryosong lalaki na walang pagkakakilanlan. Handa ba nilang harapin ang bawat kabanata na puno ng hiwaga? At ano ang kanilang gagawin sa oras na matuklasan nila ang lihim ng Buwan? HIRAYA is now available online at Anvil Publishing Store.