Legend
5 stories
Si Frisco at ang Kaniyang Paraiso (Volume 3) por GinoongOso
GinoongOso
  • WpView
    LECTURAS 1,571
  • WpVote
    Votos 127
  • WpPart
    Partes 1
Synopsis Sa mundong pinaghaharian ng mga maharlika, makapangyarihang organisasyon, at indibidwal na handang gamitin ang sinuman para sa sariling kapakinabangan, pinili ni Frisco na umiwas. Bagaman taglay niya ang potensyal, batid niyang hindi pa sapat ang kaniyang lakas upang makipagsabayan. Ayaw niyang magpaalipin, ayaw niyang magpagamit-kaya't pinili niyang pumasok sa Institusyon ng Nozque, isang kilalang paaralang naghuhubog sa mga may angking kakayahan. Ngunit ang kaniyang desisyon ay simula pa lamang ng mas malaking pakikibaka. Sa loob ng institusyon, makikilala niya ang mga taong magpapalawak sa kaniyang pananaw-kaibigan, kakompetensya, at mga lihim na konektado sa sikretong nais niyang matuklasan. Sa harap ng mga hamon, panlilinlang, at tukso ng kapangyarihan, kakayanin kaya ni Frisco na manatiling tapat sa kaniyang layunin? O sa huli, susukuan niya ba ang kalaayan para sa kapangyarihan? --
Legend of Divine God [Vol 17: Against the Devils] por GinoongOso
GinoongOso
  • WpView
    LECTURAS 753,830
  • WpVote
    Votos 93,987
  • WpPart
    Partes 122
Synopsis: Pagkatapos ng lahat ng kaganapan sa Divine Realm, walang dudang si Finn na ang kikilalaning pinakamakapangyarihang emperador sa lahat. Matagumpay niyang napaslang si Kardris. Siya ang naging susi para maipanalo ng kaniyang hukbo ang digmaan. Ang lahat ay umaayon sa kaniyang plano, subalit, nagsisimula na ring magparamdam ang kaniyang mga totoong kalaban. Magagawa kaya ni Finn na makuha ang pamumuno sa alyansa na tutugis sa mga diyablo? At sa pagkakataong ito, magtatagumpay na kaya sila na tuluyang matuldukan ang kasamaan ng mga kasuklam-suklam na nilalang? - Cover by @heysomnia Date started: Jan 1, 2025 (wattpad) Date ended: April 29, 2025 (wattpad)
Legend of Divine God (Vol 16: The Thirteenth Emperor) por GinoongOso
GinoongOso
  • WpView
    LECTURAS 1,002,355
  • WpVote
    Votos 131,463
  • WpPart
    Partes 152
Synopsis: Kinilala na ang ikalabintatlong emperador, at iyon ay walang iba kung hindi si Finn. Siya ang pinili ng kalangitan na magtaglay ng espesyal na kapangyarihan at titulo dahil napagtagumpayan niya ang huling hamon ng Land of Origins na talunin ang Evil Jinn. At sa kaniyang pagdating sa divine realm, samu't saring pagsubok kaagad ang kaniyang kahaharapin upang maprotektahan ang kaniyang mga kasama, kayamanan, at titulo. Bagong mga kalaban ang kaniyang makakaharap, at bagong mga kakampi ang kaniyang makakasama sa pagsasakatuparan niya sa kaniyang mga layunin. Sa pamamagitan ng espesyal na kapangyarihang kaniyang natanggap, maghahatid siya ng malaking pagbabago sa divine realm. Ipapakita niya na hindi siya dapat kalabanin, at ipapaalam niya kung bakit siya ang pinili ng kalangitan bilang magiging pinakamakapangyarihang nilalang sa hinaharap. -- Date Started - July 1, 2024 (Wattpad) Date Ended - ??
Legend of Divine God (Vol 15: The Divine Prophecy) por GinoongOso
GinoongOso
  • WpView
    LECTURAS 1,138,956
  • WpVote
    Votos 157,267
  • WpPart
    Partes 172
Synopsis: Ang mga pangyayari sa Land of Origins ay nagsisimula nang maging kapana-panabik. Naglilitawan na ang mga naiwang kayamanan at pamana ng mga totoong diyos, at sa mas pinaigting na kompetisyon sa pagitan ng mga tagalabas, nagbabadya ang isang malaking delubyo. Kaniya-kaniya nang pagpapalakas ang bawat naghahangad ng kapangyarihan at katanyagan. Si Brien Latter na hanggang ngayon ay may misteryosong katauhan ay mayroong binabalak para si Finn ay wakasan. Palaki na nang palaki at palakas na nang palakas ang hukbong pinamumunuan nina Ashe at Tiffanya. Habang si Finn, sinisimulan niya na ang pagpapaunlad sa kaniyang sarili at sa New Order para paghandaan ang nalalapit na9 digmaan. Sa huli kung saan isa lang ang maaaring hiranging karapat-dapat, sino kina Finn, Brien, Ashe, at Tiffanya ang magwawagi? Isa ba sa kanilang apat...o mayroon pang ibang karapat-dapat? -- Date Started(Wattpad): December 10, 2023 Date Ended(Wattpad): June 7, 2024
Legend of Divine God [Vol 14: Remnants of the Gods] por GinoongOso
GinoongOso
  • WpView
    LECTURAS 618,708
  • WpVote
    Votos 96,915
  • WpPart
    Partes 102
Armado ng mahahalagang impormasyon at bagay na makatutulong sa kanilang paglalakbay, ipinagpapatuloy ni Finn at ng buong New Order ang kanilang pakikipagsapalaran sa mundo ng pinagmulan. Dahil sa mga napagtagumpayan ni Finn, tatlo sa kilalang puwersa sa Land of Origins ay kaniya nang kaibigan. Mayroon silang kalamangan na wala ang ibang tagalabas; mayroon na silang pagkakaintindi sa kung ano man ang mayroon sa mundong kanilang ginagalawan. Ganoon man, marami pang hiwaga ang hindi pa nila natutuklasan-at isa na sa mga iyon ang mga naiwan ng mga diyos sa Land of Origins na ngayon ay isa-isang tutuklasin ni Finn at New Order. -- Date started: August 1, 2023 (Wattpad) Date ended: November 8, 2023 (Wattpad) --