Eyasys's Reading List
2 stories
Dosage of Serotonin by inksteady
inksteady
  • WpView
    Reads 40,154,980
  • WpVote
    Votes 1,332,197
  • WpPart
    Parts 47
Started: 04/27/2021 Ended: 08/24/2021 Ang hirap palang tumanda. Ang hirap magbayad ng bills. Ang hirap suportahan ng pamilyang akala ay isang milyon ang suweldo mo. Ang hirap ngumiti sa nanay na mataas ang tingin sa'yo pero hindi ka kayang ipagtanggol. Ang hirap tabihan sa hapagkainan ng tatay na pinag-uubusan mo ng pera pero hindi ka maalala. Ang hirap mag-abot ng tulong sa kapatid na baon sa utang. Ang hirap intindihin ng hipag na nakakapagpa-rebond pa kahit kapos na kapos na. Ang hirap pakisamahan ng bunsong halos ilahad ang mga palad tuwing makikita ka. Ang hirap ngitian ng mga taong tanong nang tanong kung bakit hindi ka pa nakakapag-asawa. Ang hirap humarap sa mundong isasampal sa'yo na mag-isa ka. Tulong, bigay, utang. Isang iling mo lang, madamot ka na. Kasama mo sila kapag may maibibigay ka, pero hindi mo sila mahahanap kapag wala na. Ikaw ang kakayod, sila ang tutuka. Ikaw ang iiyak sa pagod, sila ang magtatamasa. Iyon ang summary ng buhay ko. Sobra-sobra ang naririnig na paghingi, kulang na kulang ang naririnig na pasasalamat. Sobra-sobra ang pagpapasensya, kulang na kulang ang natatanggap na pagpapahalaga. Sobra-sobra ang binabayaran, kulang na kulang sa kasiyahan. Kaya nang dumating sa buhay ko ang nag-iisang lalaking hindi ako nakita bilang naglalakad na alkansya, ang nag-iisang lalaking nakinig sa mahabang listahan ko ng problema, ang nag-iisang lalaking nagbigay sa akin ng kakaibang saya, ipinangako ko sa sarili na sa gitna ng hirap ng pagtanda, magtitiis ako basta't siya ang kasama. Kahit pa ang kapalit noon ay pagtalikod sa minahal na pamilya. Kahit pa ang kapalit noon ay paglaban sa mundong pinatatakbo ng kapangyarihan at pera. Kahit pa ang kapalit noon ay ang pagdurusa't pag-iisa. Siya ang ginhawa, pahinga, at kasiyahan ko. Dumating man ang araw na tanaw ko na ang dulo. Dumating man ang araw na wala na kaming sagot sa lahat ng bakit at paano. Dumating man ang araw na pareho na kaming talo.
The Distressed Racer (Freezell #8) [Completed] by Ice_Freeze
Ice_Freeze
  • WpView
    Reads 1,676,260
  • WpVote
    Votes 59,338
  • WpPart
    Parts 34
Warning: MATURE CONTENT | R-18 | COMPLETED Highest Rank/s: #1 - Humor 12/25/20 Jice Isaiah Saavedra, kilala sa pagiging pambansang bunganga, pambatong manok ng bayan, malakas bumanat, kayang-kayang isabak sa online rambulan, at ang babaeng ilalaban ka kahit pa patayan. Masyado siyang palaban sa lahat ng bagay, at masasabi mong walang inuurungan. Walang sinasanto ang bibig ni Jice kahit pa ang taong kailangan niyang kalingain- Hindi, huwag na natin pagandahin pa, ang taong kailangan niyang i-babysit. Naatasan si Jice na maging yaya ng isang emotionally distressed na racer kahit na sa una pa lamang ay hindi na niya alam kung paano pakikitunguhan ang taong ito. Anong mangyayari kay Jice kung magtatagal pa siya sa pamamahay nito? Maapektuhan din kaya ang isip niya ng kondisyon nito? O ang puso na ni Jice ang maaapektuhan ng karisma nito na kahit ang bibig niyang walang preno ay natatalo? Freezell Series #8