tonimak0501's Reading List
62 stories
Austin's Curse by ClumsySorcerer
ClumsySorcerer
  • WpView
    Reads 180,197
  • WpVote
    Votes 7,639
  • WpPart
    Parts 61
Matapos makipaglaban sa tadhana at magapi si Ignis, ang bathala ng mga isinumpa, ay pinili ng pamilya Aragoncillo ang magkaroon ng payapa at simpleng pamumuhay. Kasama na rito ang pagpasok ni Austin sa dating paaralan ng kanyang kambal na mga kapatid na sila Summer at Winter bilang isang college student. Sa bagong mundo na kanyang tatahakin ay magkakaroon siya ng mga bagong kaibigan, mga bagong karanasan, at iba pang mga bagay na naging mailap sa kaniya noon dahil sa pagiging "kakaiba" niya. Ngunit kasabay ng mga pagbabagong ito ay ang pagbangon ng mga panibagong suliranin na susubok sa kanyang katatagan. Muling mababasag ang katahimikan sa pagbabalik ng nakaraan sa kasalukuyan para sirain ang hinaharap. Bagong Mundo... Bagong Orakulo... Bagong Yugto... Samahan natin si Austin Dale Aragoncillo at ang kanyang mahiwagang kwento. July 2017
Rigo's Curse by ClumsySorcerer
ClumsySorcerer
  • WpView
    Reads 217,411
  • WpVote
    Votes 9,395
  • WpPart
    Parts 50
A Sequel to Jairus' Curse 25 years pagkalipas ng digmaan sa pagitan ng mga Gifted at Cursed ay masaya at mapayapang namumuhay si Rigo kasama ang asawa nito na si Khalil at ang kanilang kambal na anak na sila Summer at Winter. Isang magandang trabaho, isang mapagmahal na asawa at dalawang mabubuting anak. Isang normal na pamumuhay na matagal na niyang pinapangarap at wala na siyang mahihiling pa. Ngunit ano ang mangyayari kung sa di inaasahang pagkakataon ay magbalik ang nakaraan at mabunyag ang katotohanan na kanyang itinago sa napakatagal na panahon? Hanggang saan nga ba ang kaya niyang isakripisyo para mapanatili lamang ang perpektong pamilya na kanyang binuo? Samahan natin si Rigo Aragoncillo at ang kanyang mahiwagang kwento. February 2017
Jairus' Curse by ClumsySorcerer
ClumsySorcerer
  • WpView
    Reads 208,234
  • WpVote
    Votes 7,857
  • WpPart
    Parts 41
A Sequel to "Julian's Gift" By Absurd018 HIGHEST RANK: #25 IN FANTASY THEMED STORY Si Julian. Kasama ang asawa na si Matteo at ang iba pang kasama sa Top 10 Gifted, sila ang inatasan na mamahala sa Battle of the Gifted. Sa hindi inaasahang pagkakataon, si Leia, ang Future Seeker sa grupo, ay nakakita ng isang pangitain na maaaring makaapekto sa magiging takbo ng event. Ayon sa kaniyang pangitain, may isang makapangyarihang nilalang na magbabalik at magdadala ng kaguluhan di lamang sa mundo ng mga gifted kungdi pati na rin sa mundo ng mga tao. At ang magiging susi sa pagbabalik ng nilalang na ito ay... Si Julian at Matteo. ••••• Si Jairus. Isang exchange student sa eskwelahang pinapasukan noon ni Julian. Laking America ngunit kinailangan lumipad papuntang Pilipinas para manirahan kasama ang kaniyang ama upang ipagpatuloy ang kaniyang pag-aaral. Namatay sa isang malubhang karamdaman ang kaniyang ina at dahil sa kanyang murang edad na 17, ay kailangan niyang sumama sa kaniyang ama na naninirahan sa Pilipinas kasama ang asawa nito na kapwa rin isang lalaki. Lingid sa kaalaman ng lahat, hindi ordinaryong tao si Jairus. Mayroon siyang kapangyarihan at ito ay ang kakayahang kontrolin ang elemento ng hangin... na kahit kailanman ay di niya itinuring na regalo bagkus ay isang sumpa. December 2016
BEDTIME STORIES Vol. 1 (Ang Koleksyon ng mga Maiksing Kuwentong Katatakutan) by LadyImmortalJ
LadyImmortalJ
  • WpView
    Reads 2,863
  • WpVote
    Votes 50
  • WpPart
    Parts 12
Kung alam lang ng lahat, noong unang panahon, nagkukuwento na ang ating mga ninuno ng mga kuwentong katatakutan. Mga kuwento tungkol sa mga nilalang na nakakatakot na halos hindi na tayo patulugin gabi-gabi-mga aswang, bogeyman, halimaw, demonyo, multo, at mga engkanto. Ito ang isa sa mga namana natin sa kanila. ang kahiligang magkuwento at makinig ng mga istoryang kahindik-hindik at kahila-hilakbot. Ang ilan sa atin ay mga seryosong nakikinig o ang iba naman ay apektado, at iilan rin sa atin ay hindi naniniwala o akala nila ito'y laro-laro lamang. Panakot sa mga batang pasaway at ayaw makinig sa mga nakatatanda. Pero lingid sa ating lahat, may mga istorya na magbibigay sa atin ng leksyon, lalong-lalo na, babala. Isang babala na magpapatunay na hindi lang ito laro-laro lamang... babala na magpapatunay may mga nilalang na talagang totoo at nagtatago lamang sa dilim... na hinihintay lang nila na sila'y banggitin... Mas makabubuti kung basahin mo na ang librong ito hangga't malakas pa ang loob mo at huwag mo nang hintayin pang dumating ang dilim... baka magsisi ka sa huli.
TEACHER'S PINKISH SECRET AFFAIR by joemarancheta123
joemarancheta123
  • WpView
    Reads 1,058
  • WpVote
    Votes 10
  • WpPart
    Parts 1
Sixteen years old si Eldrin nang naging guro niya si Mr. Villamer. Saksaka ng kapogian ang teacher niyang iyon. Respetado niya ito sa galing nitong magturo. Nagiging masaya ang araw niya sa tuwing nakikita niya sa campus. Ang akala niya'y pangarap na lang niya si Sir. Lalo pa't siya mismo ay tago din sa tunay niyang pagkatao. Bukod sa teacher niya ito, may asawa na din si Sir. Ngunit nang may nangyari sa kanila dahil na din sa pagpupursigi ni Eldrin, noong binuksan at pinapasok ni siya ni sir sa mundo ng sarap ng pagtatalik, sinira na ni sir ang harang ng student-teacher relationship nila. Ibang relasyon ang binuo nila ng patago. Sinira nito ang mataas na respeto sa guro at napalitan ng pagmamahal. Ngunit nang minahal na nang lubusan ni Eldrin si Mr. Villamer ay bigla itong nagbago, nasaktan siya ng husto hindi lang ng kaniyang guro kundi maging ng asawa nito. Pagkaraan ng sampung taon, naging ganap nang abogado si Eldrin. Bumalik para tuluyang makuha ang kaniyang dating minahal. Sa kahit anong paraan, kailangan niyang buuin ang kaniyang kaligayahan. Tanging si Mr. Villamer na lang ang kulang? Paano niya aagawin ang lalaking pamilyado na't may reputasyong inilaagaan bilang Prinsipal sa dati niyang pinapasukang paaralan.
Nang Lumuhod si Father by joemarancheta123
joemarancheta123
  • WpView
    Reads 169,418
  • WpVote
    Votes 856
  • WpPart
    Parts 5
Pagkatapos ng nobela nating "Everything I have" na tumalakay kung gaano kahirap ang ipaglaban ang iyong pagmamahal laban sa sakit o kamatayan, ang nobelang "Chaka (Inibig mo'y Pangit) na naghatid sa atin ng kuwento tungkol sa pag-iibigan laban sa ibang tao, ngayon naman ay dadalhin tayo ng ating bagong nobela sa kakaibang pagmamahalan laban sa ating Diyos na lumikha. Paano nga ba maipaglalaban ang tunay na pag-ibig kung ang pagsilbi sa Diyos ang iyong katunggali? Paano ito mapagtatagumpayan lalo pa't sa bawal na pag-iibigan. Alin ang pipiliin, ang paninilbi at pagmamahal sa Diyos o ang pagsuko at ituon ang panahon at buhay sa lalaking tunay na laman ng puso't isipan. Note: Mangyaring basahin muna ang Everything I have at Chakka (Inibig mo'y Pangit) dahil may kinalaman ang mga iyon sa kuwentong ito.
The Bodyguard by joemarancheta123
joemarancheta123
  • WpView
    Reads 226,932
  • WpVote
    Votes 1,248
  • WpPart
    Parts 6
Paano kung isa ka lang Bodyguard ng guwapo, sikat at matalinong anak ng Presidente. Isa pa'y alam mo sa sarili mong "straight" ka ngunit ngayon ay may gumugulo na sa iyong pagkatao. Paano ang girlfriend mo? Paano ang "career" mo kung ang tibok ng puso ay iba na ang binubulong? Padadaig ka ba sa bulong ng puso o susundin ang sigaw ng isip.
EVERYTHING I HAVE by joemarancheta123
joemarancheta123
  • WpView
    Reads 59,659
  • WpVote
    Votes 607
  • WpPart
    Parts 5
Masarap magmahal lalo na kung mahal ka din ng taong mahal mo. Ngunit paano ba magmahal kung ang tamang pagmamahal para sa'yo ay hindi katanggap-tanggap para sa iba. Saan patutungo ang pagmamahal ni Mario kay Gerald sa pagmamahalang tinututulan at kinukutya ng karamihan. Magkalayong estado ng buhay. Kakaibang pagmamahalang sinubok ng mga suliranin. Kaya bang tiisin ng tunay na pagmamahal ang mga pasakit na dala ng pagkasino? Paano iiwasan ang minamahal kung may ma sikreto kang pilit tinatakasan sa pagkakabigkis ninyong dalawa?
Mahal Kita, Hanggang Sa Huling Laban by joemarancheta123
joemarancheta123
  • WpView
    Reads 164,985
  • WpVote
    Votes 731
  • WpPart
    Parts 5
Kahit iba ang ipinaglalaban mo sa ipinaglalaban ko, kahit pa magkasalungat ang paniniwala mo't paniniwala ko, umaasa akong mapag-iisa tayo ng tibok ng ating puso. Mahirap kang ipaglaban, mahirap kang hanapin sa gitna ng mga sigalot ng ating mga digmaan ngunit sana mahanap mo ako sa puso mo, sana maipaglaban at mapagtagumpayan natin ang tunay na sinisigaw ng ating damdamin laban sa hindi na matapos-tapos na bangayan ng hukbong ating kinabibilangan. Saan tayo dadalhin ng ating pagmamahalan? Hanggang kailan natin maipaglalaban ang ating pag-iibigan at kapayapaan? Mahal kita, alam kong mahal mo din ako, ngunit patuloy tayong pinaglalayo ng prinsipyo ng magkalabang grupo. Sana Zanjo, maramdaman mong Mahal kita, hanggang sa huling laban! -Patrick
If It's All I Ever Do by joemarancheta123
joemarancheta123
  • WpView
    Reads 75,389
  • WpVote
    Votes 392
  • WpPart
    Parts 5
Maraming akong hindi maintindihan sa buhay ko, maraming mga katanungang hindi ko mahanapan ng kasagutan. Kahit pa sa dami ng mga aralin sa school ay di kayang sagutin ang magulong pinagmulan ko. Dahil hindi ko kilala at buong maintindihang ang pinanggalingan ko, nawalan na din ng direksiyon ang aking pagkatao. Gusto kong magalit ang mundo sa akin, gusto kong isuko na lang ako ng mga taong nagpapahalaga sa aking kabutihan, ngunit bakit kahit anong gawin ko lagi akong inuunawa, nadadarang ako sa pagmamahal, natutupok nito ang kagustuhan kong lumayo sila sa akin. Ano ang kayang isakripisyo ng pagmamahal mo para magising ako sa katotohanang mali ako at tama ka, na ikaw ang para sa akin at hindi siya. Ayaw kong matulad sa mga taong nagpalaki sa akin, hindi ko gusto ang buhay ng kagaya nila ngunit paano... paano ba turuan ang damdamin kong hindi dapat ikaw ang aking mahalin! -Romel Paano ka mababago ng pagmamahal ko? Saan ako dadalhin ng kagustuhan kong mabago ang mundong ginagalawan mo... Makikita mo kaya ang kabutihan ng ginagawa ko para sa'yo o hihilain mo lang ako sa mundong gusto kong iwan mo... MAHAL KITA... hindi ko isusuko ang pagmamahal na iyon kahit katangahan at kahibangan na para sa iba...kahit pa sobra na akong nasasaktan at pauli-ulit na ang pagluha ko'y ikaw ang dahilan... Maayos na sana ang buhay ko, matino na sana ang aking pagkasino ngunit nang minahal kita, naging magulo na ang dati ay kinainggitan ng maraming kabataan na narating ko, kasi ikaw daw ang mali sa buhay ko, ang tanging maling nakikita nila kaya napapariwara ako ngunit paano kita tatalikuran kung ang maling iyon ang pinakamahalagang ipinaglalaban ko, dahil ikaw...ikaw ang alam kong kulang na lang sa buhay ko!---- JINO