fav genre
7 stories
Lo Siento, Te Amo (Published by Taralikha) by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 4,154,993
  • WpVote
    Votes 182,142
  • WpPart
    Parts 38
"Wattys 2021 Winner in Historical Fiction Category" Si Agnes Salazar y Romero ay ikinasal sa lalaking malabong masuklian ang kaniyang pagmamahal dahil sa matinding galit nito sa pamilyang kaniyang kinabibilangan. Ang kanilang pagsasama ay puno ng lungkot, pasakit, at suliranin. Natuklasan ni Agnes ang lihim ng kaniyang asawa na si Alfredo na tuluyang sumira sa kanilang pagsasama. Nang dahil sa isang aksidente, tuluyang nagbago ang kanilang buhay. Sa muling pagtatagpo ng kanilang landas, magagawa bang balikan ni Agnes ang buhay sa nakaraan? O ang mapait na nakaraan kapiling ang dating asawa ang maging dahilan upang piliin niya ang bagong buhay kasama si Mateo? Hanggang saan ang kayang gawin ng isang taong nalugmok sa pagsisisi, panghihinayang, at pag-ibig? Started: December 31, 2020 Completed: August 9, 2021
Bride of Alfonso (Published by LIB) by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 5,328,598
  • WpVote
    Votes 196,673
  • WpPart
    Parts 31
"Wattys 2021 Winner in Historical Fiction Category" Sa loob ng labinlimang taon, ang makasal sa kababata niyang si Enrique Alfonso ang tanging pinapangarap ni Estella Concepcion. Ngunit nagbago ang lahat nang makilala niya si Lucas, ang pinsan at karibal ni Enrique sa politika. *** Makatwiran at hindi nagpapatalo, lumaki si Estella Concepcion na patuloy na umaasang magkakatuluyan pa rin sila ni Enrique Alfonso, ang batang nagpagaan ng kanyang loob labinlimang taon na ang nakararaan. Ni minsan ay hindi nawala ang kanyang paghanga at pagtingin sa binata na siyang magiging susunod na gobernadorcillo ng bayan ng San Alfonso. Ngunit tila gumuho ang kaniyang mundo nang mapag-alaman niyang ipinagkasundo na ito sa ibang dalaga. Desididong mapangasawa pa rin ang binata, hihingin ni Estella ang tulong ni Lucas, ang pinsan ni Enrique. Sa paglipas ng panahon at sa mga sikretong kaniyang matutuklasan, handa pa nga rin bang gawin ni Estella ang lahat upang maikasal sa binatang matagal na niyang inaasam? O tulad ba ng ihip ng hangin ay magbabago rin ang isinisigaw ng kaniyang puso? Cover Design by Precious Pages Corp./LIB Books Book Type: Hardbound (With Book Jacket Cover)
Hiraya (Published by Flutter Fic) by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 2,307,018
  • WpVote
    Votes 88,458
  • WpPart
    Parts 22
Ang Ikalawang Serye. Si Aurora Lacamiento ay mayroong malubhang karamdaman mula pagkabata. Sa loob ng ilang taon ay naging sandigan niya ang pagbabasa ng mga nobela. Isang gabi, sa huling sandali ng kaniyang buhay ay napagkalooban siya ng kahilingan - ang hiling na magdadala sa kaniya sa iba't ibang mundo ng mga paborito niyang kuwento sa tulong ng isang misteryosong lalaki na siyang sugo ng Buwan. Sa kanilang paglalakbay sa iba't ibang nobela ay naranasan ni Aurora ang mga bagay na hindi niya pa nagagawa at natutuklasan. At sa bawat araw na dumaraan ay hindi niya mapigilan ang hangarin na tuklasin kung sino ang misteryosong lalaki na walang pagkakakilanlan. Handa ba nilang harapin ang bawat kabanata na puno ng hiwaga? At ano ang kanilang gagawin sa oras na matuklasan nila ang lihim ng Buwan? HIRAYA is now available online at Anvil Publishing Store.
La Escapador by YellowLock
YellowLock
  • WpView
    Reads 63,452
  • WpVote
    Votes 2,997
  • WpPart
    Parts 74
[COMPLETED] Nakakulong si Anastacia sa kahong ginawa para sa kanya ng lipunan -- pagkilos nang mayumi, pananatili sa loob ng tahanan, pag-aaral kung papaano maging mabuting ina at maybahay, at pagpapakasal sa lalaking itinakda sa kanya ng kanyang mga magulang. Isang hamon sa kanya kung papaano niya matatakasan ang kahong ito. Ngunit, may mas malaki pa siyang hamong kailangang harapin - ang mapagtagumpayang lampasan ang pader na siya mismo ang gumawa para sa kanyang sarili. Matitibag ba ng pag-ibig ang pader na ito, o lalo itong titibay kaya't hindi na ito kayang akyatin ng kahit na sino? Date started: September 28, 2017o
Amor Prohibido (Forbidden Love) by nicoleannenuna
nicoleannenuna
  • WpView
    Reads 35,663
  • WpVote
    Votes 1,705
  • WpPart
    Parts 40
"Tuwing nananaginip ako, nagkakaroon ako ng ikalawang buhay at tila lahat ng nangyayari doon ay totoo." Evangeline Laverde, isang call center agent na nilalabanan ang insomnia ay nagkaroon ng isang hindi pangkaraniwang panaginip kung saan siya ay napunta sa panahon ng Kastila. Sa kaniyang paglalakbay, makikilala niya ang isang pilyong estranghero na magiging gabay niya sa panahong hindi nakasanayan. Ngunit paano siya magigising sa sariling bangungot oras na mahulog siya sa taong hindi totoo? Date Started: November 1, 2021 Date Ended: ---
A Thousand Years by crazyinlove203
crazyinlove203
  • WpView
    Reads 22,802
  • WpVote
    Votes 907
  • WpPart
    Parts 41
Sa loob ng isang libong taon, tuwing ika isan-daan ay pinagtatagpo sila muli. Ang dalawang pusong nagmamalan, ngunit ang siya ring dalawang pusong hinahadlangan. Sa huling ika-isan daang taon ay pinagtagpo sila, sa kakaibang pagkakataon. Tuluyan na bang magkakaroon ng magandang wakas ang kanilang kwento? Tuluyan na ba silang magiging malaya? Tunghayan ang kwento ni Marinella Aurelia Abelardo ng siya ay bumalik sa ika-19 siglo.