serene_archangel
Ananta Magia, iyan ang tawag sa pinaka makapangyarihang kakayahan na walang sinuman ang nabiyayaang taglayin ito base sa libro ng nakaraan. Wala nga ba?
Hinahanap mo ito ngunit tila ba'y imposible mo itong makita sa kahit saan mo pa hagilapin. Paano kung hindi mo naman talaga ito nararapat hanapin? Dahil sa simula palang ay natagpuan mo na ito- sa katauhan mo mismo. Hindi ito "ano" kundi "sino" at ikaw iyon. Ikaw mismo ang Ananta Magia.