PAG-IBIG FOR SALE
paano kung for sale ang pag-ibig? Bibili ka ba?
Ang tao nga naman, masyadong mapaghanap at hindi marunong makuntento, naghahanap ng perpekto, nabubulag sa magagandang mga bagay at nabubulag na rin sa sarili nilang kapintasan. Sana'y magsilbi itong aral sa mga mapili.
Minsay kailangang gumawa tayo ng mga hindi ordinaryong bagay upang makuha ang mga hindi rin ordinaryong karanasan.
Ang pinakamasakit at pinakamahirap na bahagi ng pag-ibig ay ang pamamaalam. Mawala man ang taong pinag-aalayan natin ng pagmamahal, sana'y huwag tayong gumaya kay "tsinelas" na inisip na wala na siyang saysay at silbi. Pwede pa siyang magamit sa "touching slippers na laro ng mga bata sa amin sa batangas.
ang hirap kapag gustong gusto mong makasama ang minamahal mo pero malayo sya at imposible para sa iyo na gawin ang mga bagay na makapagpapasaya sa kanya na makapagpapasaya naman sayo. Hayy..
"Great things start from small beginnings" Mula sa ilang pilas ng mga tula na naisulat ko, naipon ko ito hanggang sa dumami at ngayon ay handa na upang matawag na libro. Ito ang aking simpleng pangarap.
Ito po ay tulang paalala para sa lahat. Maaaring hangaan ka kung aangkinin mo ang alin mang akda dito sa wattpad o mula sa anumang libro, ngunit hindi ka magiging lubos na masaya dahil alam mo sa sarili mong hindi ito sayo. hehe. Sermon?
Pareho man ang bawat bahagi ng ating mata, minsa'y may nakikita tayong hindi nakikita ng iba. Gusto mo bang hiramin ang aking mata?