NobelaNiPula
- Reads 179,173
- Votes 4,385
- Parts 35
Warning R18+
Brothers Code Series 2
Dahil natalo sa isang pustahan, napilitan si Blaze na pakasalan si Maggie. Isang kasunduan ang pinanghawakan ng dalawa: walang mahuhulog ang loob sa isa't isa, at patigasan kung sino ang unang susuko para mag-file ng annulment. Gabi-gabi mang magkatabi sa pagtulog, nanatiling matatag si Blaze sa kabila ng mga mapang-akit na panunukso ni Maggie.
Ngunit sa paglipas ng mga buwan, buong-pusong ginampanan ni Maggie ang papel ng isang mabuting asawa. Doon napansin ni Blaze na may iba sa kanya-hindi na ito ang mapaglarong babaeng unang nakilala at inaakala niya. Bago pa man namalayan ni Blaze, tuluyan nang nahulog ang kanyang loob dito, kaya naman nagkasundo silang dalawa na wakasan ang laro at totohanin na ang kanilang kasal.
Subalit kung kailan handa na silang magsimula muli, isang malalim na sugat mula sa nakaraan ang nabuksan na siyang naging dahilan ng kanilang paghihiwalay. Poot at galit ang namayani sa puso ni Blaze, habang matinding paghihirap at emosyonal na sakit naman ang unti-unting lumamon sa pagkatao ni Maggie-na pinalala pa ng isang masakit na trahedya: ang kanyang pagkalaglag.
Ano ang madilim na sekretong natuklasan ng dalawa na tuluyang nagpabagsak sa kanilang kasal? Babalikan pa ba ni Blaze si Maggie kung ang babaeng kaharap niya ngayon ay malayo na sa babaeng minahal niya, o tuluyan na lang niyang isusuko ang pag-ibig na minsan nang nagbigay-kulay sa kanyang buhay?