AndyThoughts
A young fine man and a certified fuckboy, Alejandro Walter Sy Sanchéz, always loves to play with the fire. Goal niya sa buhay ang durugin at saktan sa iba't ibang paraan ang mga babaeng napipikot ng nakahihibang niyang kaguwapuhang taglay. Wala siyang pakialam kung sumpain siya ng mga naloko't ginamit niya lang upang tupukin ang init ng katawan niyang hayok sa tawag ng laman.
Sa bawat lingon niya sa paligid ay may mga inosenteng mata ang lumuluha at ang nais ay makaganti sa walang katumbas na kakayahan niyang pamimikot sa ulo ng mga biktima niya.
Subalit, walang sinoman ang makapagpapaluhod sa isang Alejandro na mataas ang tingin sa sarili. Marami siyang nahahanap na paraan upang lusutan ang lahat ng kaniyang kalokohan, at kahit wala ng paraan ay hindi siya papayag na sa huli'y matatapakan ang ego niya. Nakaukit na sa kaniyang isipan na hindi pa ipinapanganak ang babaeng puputol sa kaniyang buntot at sungay.
Wala pa rin siyang tigil sa pagpapahirap emotionally sa mga nakikilala niyang babae ay hindi niya namamalayang bumubuntot siya sa isang misteryosang bartender na aksidente niyang nakilala isang gabing sinisira niya ang sarili sa pag-aaliw sa bar.
Malaki ang kumpiyansa niyang mapaiikot niya rin sa kaniyang mga palad ang babaeng bartender. Hindi niya pansing siya na pala ang nahuhulog sa nakahahalinang bitag ng peculiar and naive na babae habang lumilipas ang panahong kinukuha niya ang loob nito.
Magawa niya pa kaya ang misyong pasakitan din ang puso ng binibining maraming lihim, o pipiliin niyang proteksyunan ito sa lahat dahil sa malalaman niyang nakaraan nitong pilit ikinukulong sa kahon ng kahapon?
Hanggang saan ang kayang itaya ni Alejandro sa pakikipaglaro sa pag-ibig na unang beses niyang nadama?
The Player's Fate (WICKED SERIES 2)
By AndyThoughts
Start: March 2023
* On-hold!
* This is strictly for mature readers only.