hellojeffjeff
Lahat ng nilalang sa mundo ng MagiVerse ay may iba't-ibang abilidad at mahika. 'Yun nga lang ang kapangyarihan ay hindi pantay-pantay. Ang malalakas ay patuloy na lumalakas. Samantala ang mahihina ay nanatiling mahina. Walang karapatan mamuno sa Celestial ang mahihina, hindi dahil sila ay mahina kundi dahil sila ay lahing Familiars.
Siya ay isang Familiar. Isang grupo ng Cat Familiar.
Nang makita ni Emmy Feline kung paano pinatay ni Budred ang kaibigan ng kanyang nanay, nagbago ang pananaw niya sa buhay. Gusto niya patunayan na hindi alipin o mahihina ang kanilang lahi. Pero paano niya patunayan sa buong mundo kung siya pala ay hindi lahing Familiar kundi anak ng isang sumpa - mga nilalang na hindi biniyayaan ng ability o superpower.
Sundan ang kwento ni Emmy sa mundo ng MagiVerse.
***
Date Started: March 15, 2023
Status: Ongoing