Grace0310719's Reading List
7 stories
131 Years (PUBLISHED) by nicoleannenuna
nicoleannenuna
  • WpView
    Reads 253,867
  • WpVote
    Votes 10,101
  • WpPart
    Parts 61
Dalia Erasquin, isang babae mula sa modernong panahon ay napatay ng hindi niya kilalang salarin. Upang matukoy ang dahilan ng kaniyang pagkamatay, kailangan niyang bumalik sa taong 1889. Buhat ng isang misyon at pag-asang malaman ang katotohanan, sa kaniyang paglalakbay ay makikilala niya ang pinuno ng mga rebelde at ang heneral na ipaglalaban ang kanilang karapatan para sa kaniyang puso. Sa mundo kung saan magtatagpo ang kasalukuyan at nakaraan, mapagtagumpayan kaya niya ang kaniyang misyon? O mahuhulog siya sa patibong ng kalaban? Highest rank: #1 historical fiction - 7/17/2020 #1 -19th century - 5/6/2020 #18 - historical fiction- 6/2/2020 #58 - Story - 4/24/2021 Date started: April 20, 2020 Finished: September 17, 2020
A Kidnapper's Mistake by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 4,206,216
  • WpVote
    Votes 137,202
  • WpPart
    Parts 28
Isang misyon, isang hindi inaasahang pagtatagpo at isang pagkamamali na magiging dahilan ng pagbabago ng plano. Paano maitutuwid ang isang pagkakamali kung tatakpan ito ng panibago pang pagkakamali? Namulat si Nightmare sa mundo ng digmaan at paghihiganti para sa katarunangan ng kaniyang mga magulang na walang-awang pinatay noong siya ay bata pa. Kasama niyang lumaki si Leon na siyang apo ng kanilang Commander at itinuturing niyang kapatid. Ngunit paano kung dahil sa isang misyon ay magbago ang takbo ng plano at maging ang kanilang mga kapalaran? Si Audrey ay isang reporter na puno ng prinsipyo sa buhay. Isang dalaga na may angking sikretong tinatago sa kaniyang pagkatao na hindi niya maaaring sabihin kahit kanino. Nang dahil sa isang pagkakamali ni Nightmare ay nagbago ang takbo ng buhay ni Audrey. Paano pa maitutuwid ang pagkakamali ng isang kidnapper na nahulog na sa bitag ng pag-ibig? Book Cover by: @WattpadBetaTeam Date Written: November 26, 2014 Date Finished: December 07, 2018
Class Zero by Penguin20
Penguin20
  • WpView
    Reads 8,479,005
  • WpVote
    Votes 461,123
  • WpPart
    Parts 114
Isa ang Merton Academy sa mga kilalang paaralan sa buong Pilipinas. Karamihan sa mga nag-aaral dito ay mga kabataang may talento pagdating sa akademiko at mga laro. Ngunit may isang klase sa loob ng Merton Academy ang tinitingala ng lahat ng estudyante at iyon ang Class Zero. Sa klaseng ito ay nandito ang pinakamagagaling at pinakamatatalino sa lahat ng estudyante ng Merton Academy-Iyon ang akala ng lahat. Sa loob ng Class Zero ay may hiwagang nababalot ang bawat kabataan na nasa special program na ito. Tunay nga kayang mayroon silang angking talino at galing o may higit pang dahilan kung bakit nananatiling sikreto ang lahat ng pinag-aaralan sa Class Zero? Welcome to Class Zero! A special program for students who have special abilities! Once you became part of the class, there is one rule... you must keep everything in secret.
My Future In Her Past (1st Book Of 'In Her Past' Series) by VR_Athena
VR_Athena
  • WpView
    Reads 656,003
  • WpVote
    Votes 29,865
  • WpPart
    Parts 75
Wattys 2020 Winner "Sometimes your FUTURE is not in your TOMORROW but in someone else's YESTERDAY." Book Cover Illustration from Pinterest: https://pin.it/13RdXsO Book Cover Edited in Canva by: VR_Athena Date Started: June 15, 2019 Date Finished: August 14, 2020
I Love You Since 1892 by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 133,646,816
  • WpVote
    Votes 662
  • WpPart
    Parts 47
Published book, series and now a Wattpad Original. Read the original story or watch new episodes weekly only on VivaOne. Hindi intensiyon ni Carmela Isabella ang umibig, lalo na sa taong 1892. Mula sa taong 2016 ay mapupunta siya sa nakaraan nang may isang misyon: huwag hayaang umibig sa kanya si Juanito Alfonso, ang anak ng kilalang gobernadorcillo at ang lalaking nakatakda niyang makaisang-dibdib. *** Palaging kinukuwestiyon ni Carmela Isabella ang mga kuwentong nakabaon sa nakaraan ng kanyang pamilya, ngunit hindi niya akalain na mula sa panahong 2016 ay mapupunta siya sa taong 1892 sa pamamagitan ng isang lumang talaarawan at ang Arch of the Centuries na kanyang nagsilbing portal. Inatasan siya ng isang misteryosong madre upang gawin ang napakahalagang misyon: kailangan niyang mamuhay bilang si Carmelita Montecarlos, ang bunsong anak ng pinakamayamang pamilya sa San Alfonso at siguruhing mapipigilan si Juanito Alfonso--ang nakatakdang mapangasawa ni Carmelita--na umibig sa kanya. Sa nalalapit nilang kasal at sa kasaysayang naghihintay na maisulat muli, ang pag-ibig na hindi naman sinadya upang maranasan ng dalawang inosenteng puso ay muli bang masisilayan pagkalipas ng isang siglo? Book Cover by: LIB Publishing Illustrated (Charcoal Painting) by: Warner Jr. DISCLAIMER: This story is written in Taglish. Started: June 01, 2016 Completed: April 27, 2017
El Gobernador General De Mi Corazón by MariaEljey
MariaEljey
  • WpView
    Reads 1,997,571
  • WpVote
    Votes 92,593
  • WpPart
    Parts 72
Wattys 2019 Winner in Historical Fiction Category Dahil sa isang pagkakamali, out of nowhere ay bumalik sa taong 1855 si Choleng. Nalayo man nang tuluyan sa pamilya ay hindi naman niya inasahang makikilala ang mga taong may kanya-kanyang dinadalang pighati sa kani-kanilang puso ang magpapagulo at magpapasakit nang bonggang-bongga sa kanyang ulo. Maghihilom pa ba ang mga pusong minarkahan ng pagkamuhi at hinanakit? May pag-asa pa nga bang muling mabuo ang mga nagkapira-pirasong pagsasama na winasak ng salapi, kapangyarihan, pag-ibig, at mga ibinaong lihim? Samahan si Choleng na tuklasin ang katotohanan sa kanyang paglalakbay pabalik sa nakaraan. Alin nga ba ang dapat niyang paniwalaan? Ang banta ng kanyang pangitain? O, ang banta ng nagbabalat-kayong katotohanan? Simulan: July 16, 2017 Tinapos: October 29, 2020 #1 in Historical Fiction 05/10/2018 #1 in Classics 05/18/2018 #1 in Mystery 08/06/2022 Wattpad's Talk of the Town 03/01/2022 Current Book Cover: Binibining RaichiMirae Previous Cover: Binibining thiszyourclover
Sirene by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 6,099,398
  • WpVote
    Votes 187,696
  • WpPart
    Parts 21
May isang pinaniniwalaang alamat ng Karagatan na kung saan may mga sirenang nagbabantay ng mahiwagang Perlas sa Hilaga, Timog, Silangan at Kanluran ng Pilipinas. Sa tuwing kabilugan ng buwan ay nag-aalay ng buhay ng tao ang mga sirenang iyon para sa Karagatan. Sa loob ng ilang libong taon ay napanatili ang pangangalaga sa mahiwagang Perlas hanggang sa isang gabi ay ninakaw ng isang pilyong binata na kilalang manggagantso ang perlas ng Kanluran na binabantayan ni Sirene. Isang mahiwagang perlas, isang mamamatay-tao na Sirena, isang pilyong manggagantso na binata, isang hapon na kapitan ng barko, at ang paparating na Ikalawang Digmaang Pandaigdig (World War II). Ang istoryang ito ay panahon pa ng pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas. Date Written: November 15, 2017 Date Finished: July 10, 2018