Bakit kasi kung kailan patapos na ang klase, doon pa ako nagkagusto sa kanya? At sa dinami-daming tao sa school namin, bakit siya pa? Siya na maraming nagkakagusto sa kanya...na matagal ko nang kilala pero wala akong lakas ng loob para kausapin siya.
Minsan sa buhay natin, may mga bagay talaga na 'di natin inaasahan, bigla na lang dumarating. Mayroon ding mga pagkakataong hindi umaayon sa gusto nating mangyari. At talagang darating sa punto na wala kang ibang magagawa kung hindi ang umiyak na lang.
Kadalasan kapag nagmamahal ang isang tao, nakakalimutan niyang bigyang-pansin ang mga tao o mga bagay na nasa paligid niya. At kapag nawala na ang mga ito, doon niya lang mapapagtanto ang kanilang halaga.
Isang simpleng tula para sa lalaking palaging laman ng utak ko, ang nagiging dahilan ng mabilis na pagtibok ng puso ko, at higit sa lahat, ang kauna-unahang nagparamdam sa akin ng ganito.
"Ang hirap kapag nagkagusto ka sa seatmate mo, pero masakit kapag binigyan mo ng meaning iyong mga ginawa niya para sa'yo na wala naman talagang kahulugan para sa kanya."