MidnightEscolta
- Reads 12,026
- Votes 213
- Parts 39
Si Santhiago "Thiago" DiMarco ay isang binatang Espanyol na ipinanganak at lumaki sa Espanya. Dumating siya sa Pilipinas upang dumalo sa kasal ng kanyang nakatatandang kapatid na si Maximiliano, sa malawak na hacienda ng pamilya sa La Consolación. Hindi tulad ng kanyang kuya, hindi kailanman nagbalak si Thiago na manatili sa Pilipinas; ang buhay at trabaho niya ay nasa Espanya, at panandalian lamang ang pagbisita.
Sa kanyang pag-uwi, sa hindi inaasahang pagkakataon, nakilala niya si Jacinta Sta. Maria - isang dalagang Pilipina na tumakas mula sa nalalapit na kasal at iniwan ang mga oportunidad at kayamanang naghihintay sa kanya sa sariling bayan. Pinili ni Jacinta na iwan ang lahat upang layuan ang nobyo at hanapin ang sariling kalayaan; sa paglalakbay nila sakay ng barko, nagkasama sila ni Thiago.
Ang paglalakbay nila patungong Espanya ay nagbukas ng bagong ugnayan: isang banayad na paglapit na puno ng lihim, pag-aalinlangan, at pag-asa. Sa ilalim ng mahigpit na panlipunang inaasahan at impluwensya ng simbahan, hahamunin ang kanilang pagsasama sa mga hangganan ng dangal at pananampalataya. Dahan-dahang mabubuo ang damdamin na kailangang itago mula sa mga mata ng lipunan - at mula sa sarili nilang konsensya.
Habang lumalalim ang relasyon nila, haharapin nila ang mga hindi inaasahang pangyayari: intriga mula sa pamilya, pagkakaiba ng kultura, at ang mabigat na hatol ng lipunan sa mga kasalanang itinuturing na moral na paglabag.
Sa gitna ng pag-ibig at takot, susubukin sila ng one of the deadly sex sins:
Fornicador. Fornicator.