reading..
1 story
Girl Crush (gxg) by notthatwhatever
notthatwhatever
  • WpView
    Reads 55,957
  • WpVote
    Votes 2,042
  • WpPart
    Parts 30
"Kung ipa-kidnap na lang natin kaya siya? Tapos dalhin natin sa private island niyo. I-blackmail natin na hindi na siya makakaalis sa lugar na 'yon forevs hanggang hindi siya pumapayag sa gusto mo." suggestion niya na may nakakalokong ngiti. Bigla naman akong napabangon mula sa pagkakahiga dahil sa sinabi niyang iyon. "I like that! Sure! May kakilala ka bang mauutusan? Magkano? Paano iyong bayad sa serbisyo nila? Full payment ba agad o down payment muna tapos tsaka na iyong remaining balance pag tapos na nila iyong iniutos sa kanila?" sunud-sunod na tanong ko sa kanya. At ayon, hindi maipaliwanag iyong itsura niya. Shookt ang bruha! Nakakunot-noo habang medyo nakaawang pa iyong bibig. "For real?! Seryoso?! Hindi nga?!" hindi makapaniwalang tanong niya. "Nag-suggest ka nang possible choice ko para mabago iyong desisyon ko tapos hindi naman pala feasible." irap ko sa kanya. "Teka lang. Nag-iisip ako. So gusto mo? Payag ka? Magpapatulong tayo kay Kuya kung may pwede siyang i-hire." tuluy-tuloy na turan niya. Teka at nag-iisip daw pero may another suggestion agad?!