KaitoKid_Stories
❝Ang maglingkod sa langit ay ang magtangan ng espada sa isang kamay, at ng pusong wasak sa kabila.❞
Sa kahariang binabalutan ng banal na kautusan at pamana ng mga ninuno, naninindigan si Caelion Salvador bilang pinakatiwala ng Emperatris- isang mandirigmang iginagalang, kinatatakutan, at kinikilala bilang Lakan ng Bituin. Sa likod ng kaniyang pilak na baluti at disiplina na walang dungis, nakatago ang pamana na mas matanda pa kaysa sa kaharian mismo- isang pamana na humihingi ng katapatan, pag-alay, at katahimikan.
Pinanday upang maglingkod sa mga diwata ng kalangitan at hinubog ng maraming salinlahi, ang landas ni Caelion ay ukit na bago pa siya isilang. Ngunit ang lahat ay nagsimulang magbago nang dalhin siya ng isang misyon palayo sa palasyo, tungo sa pusod ng isang nayong limot ng panahon- doon niya nasilayan ang isang bagay, o isang nilalang, na naghamon sa lahat ng kaniyang paniniwala ukol sa tadhana.
Habang bumibigat ang alitan sa loob ng kaharian at nagigising ang mga sinaunang puwersang matagal nang natutulog, natagpuan ni Caelion ang sarili niyang nahahati sa pagitan ng tungkulin-at ng isang bagay na higit na mapanganib: ang pagpili.