Ange_Mayao
- Reads 340
- Votes 24
- Parts 22
Leukemia.
Iyon ang sinabi sa kaniya ng kaniyang doctor isang araw matapos siyang mag collapse. Dahil sa nalamang karamdaman ni Vincent, nawalan na siya ng gana pang ipagpatuloy ang nasimulang karera. He's been a writer for three years. At dahil sa nakalulungkot na balita'y itinigil niya ang pagsulat. Walang ibang nakakaalam ng kaniyang kalagayan liban sa doctor na si Anjo.
He's been good to him. Halos hindi siya tinitigilan ng lalaki sa pagbibigay nito ng advices at kung ano-ano pang pampalubag loob para lang huwag siyang sumuko sa buhay. He even offered him to be his friend na tinanggap naman niya. Naging malapit siya sa doctor at kalauna'y nagkaroon siya ng pagtingin rito.
Ngunit hindi niya iyon maaaring palawigin. Isang araw ay maaaring siyang bawiin, maaaring hindi na siya magising. Sa mga sandaling nalalabi sa kaniyang buhay, nais niyang ubusin iyon kasama ang lalaki.