👀SPY SERIES
5 stories
The Ghost Of You: Spy Series 1 by Chrixiane22819
The Ghost Of You: Spy Series 1
Chrixiane22819
  • Reads 323
  • Votes 25
  • Parts 13
MATURE CONTENT: Read at your own risk! ------------ Mia was the result of a mistake. Ipinaampon siya ng kanyang ina sa bestfriend nito bago nito kinitil ang sariling buhay. Lahat ng klaseng pagmamahal, pag-aaruga at pag-aalaga pati mga materyal na bagay ay ibinibigay sa kanya. Ngunit kailanman hindi siya nagkaroon kahit isang kaibigan kaya malimit siyang tumambay mag-isa sa gilid ng batuhan sa dagat malapit sa mansion nila. Hanggang sa nakilala niya si Liam, ang batang bukod tanging nakipaglapit sa kanya. Sa paglipas ng mga araw ay naging palagay ang loob nila sa isa't-isa. Ang dalampasigan na 'yon ang naging saksi ng pagkakaibigan nilang dalawa. Ngunit dumating ang araw na kinailangan niyang umalis. Pupunta na sila ng States at doon na titira. Paano niya panghahawakan ang pangakong hahanapin siya nito't pakakasalan kung batang musmos lamang ang nagsabi no'n? At paano kung may isang Richard Del Valle na kung makaasta akala mo'y pag-aari ka niya? Tinutuo ang pagpapanggap niyong dalawa bilang mag-asawa? Kung kailan naibigay niya na sa iba ang buong tiwala't sarili niya saka niya naman aksidenteng muling nakita si Liam na may kasama ng iba. Ano ang gagawin niya ngayon kung hinihingi na nito ang kamay niya? At paano kung engaged na siya sa iba? Sino ang pipiliin niya sa dalawa? Ang lalaking mahal niya na inakala niyang may mahal ng iba or ang lalaking hindi siya sigurado kung mahal ba talaga siya?
The Flame: Spy Series 2 by Chrixiane22819
The Flame: Spy Series 2
Chrixiane22819
  • Reads 31
  • Votes 2
  • Parts 2
MATURE CONTENT: Read at your own risk! ---------- DELUBYO. 'Yong ang depinasyon ni Laica sa uri ng naging buhay sa kamay ng ganid niyang Tiyahin at Tiyuhin, at bastos nilang anak. Nalaman niyang pinatay ng mga ito ang mga magulang niya para masamsam ang mga ari-arian nila na pilit inaangkin ng mga ito. Hanggang sa bigla na lang may pumasok na mga armadong kalalakihan sa mansion nila at sapilitan siyang kinuha. Paano siya makakatakas ngayon sa trabahong pagbebenta ng katawan ang labanan? At paano kung kailan ubos na ang diskarte niya saka naman dumating ang lalaking kinaiinisan niya na si Kevin Sarmiento para sagipin siya? Ngunit kung kailan lumambot ang puso niya at nahulog ang loob dito saka naman ito biglang naglahong parang bula. Hanggang sa lumipas ang dalawang taon at muling nagkrus ang landas nilang dalawa sa lugar na hindi niya inaasahan. Ano ang gagawin niya ngayon kung pinapapapatay ito sa kanya? Makakaya niya bang iligpit ang lalaking mahal na mahal niya at ama ng kanyang anak, o isasakripisyo niya ang buhay nilang mag-ina kapalit sa pagsuway niya sa utos ng Boss niya?
Puzzle Of My Heart: Spy Series 3 by Chrixiane22819
Puzzle Of My Heart: Spy Series 3
Chrixiane22819
  • Reads 49
  • Votes 3
  • Parts 2
Unang tapak pa lang ni Ivana Yara Clemente sa Private Island na pagmamay-ari ng isa sa Bud Brothers Bosses nila nabihag kaagad ang kanyang puso ni Ralp Allen Fourth Manrique. The tall sexy hunk henchman with ripped abs and muscles, reddish lips na para bang kay sarap halikan. Ngunit tila bloke ito ng yelo sa subrang kalamigan. Ni hindi marunong ngumiti. Limitado ang mga salita. But she was persistent to catch his attention. Isinumpa niya sa sariling babagsak ito sa kanyang kandungan. Hanggang sa isang iglap nagbago ang ihip ng hangin. Ito na mismo ang lumalapit sa kanya. Umaayon ang tadhana sa kanya pero hindi ang puso niya. Malakas ang pakiramdam niyang may iba sa lalaking sinisinta pero hindi niya matukoy kung ano. Ang masaklap bumigay siya sa pang-aakit nito sa kanya. Nang malagay sa panganib ang kanyang buhay dumating ito para iligtas siya. Ito mismo nagbantay at nag-alaga sa kanya. Sa pagsasama nila sa iisang bubong nalaman niyang ang ka-triplets ni Fourth na si Ralp Allen Third Manrique ang lalaking napag-alayan niya ng sarili hindi ang sinisinta. Ano ang gagawing niya kung ang lalaking tagapagligtas ay inakala niyang may kinalaman sa pagkamatay ng kanyang mga magulang? Makakaya niya bang patayin ang matipunong binata na ama ng sanggol na nasa sinapupunan niya?
Broken Vow: Spy Series 4  by Chrixiane22819
Broken Vow: Spy Series 4
Chrixiane22819
  • Reads 50
  • Votes 4
  • Parts 2
Ralph Allen Fourth Manrique. 'Yon ang pangalan na nabasa niyang nakasulat doon ng pikit matang pinirmahan ni Naila Isley Montiero ang mga dokumento para paluguran ang kanyang ama kahit 'di niya personal na kakilala ang lalaking mapapangasawa. It was just a marriage for convenience pero kailangan niyang tumira sa bahay nito ng anim na buwan habang nasa misyon ito. Walang kaso iyon sa kanya. But when Fourth arrived early from his mission, she was shocked. That man is the one and only nightmare of her life. The only man who humiliate her outside the bar calling her a whore, a dirty slut after saving her from the idle who tried to molest her. Tumakas siya. Umuwi sa Pilipinas. Hinanap ang Yaya niya. Ngunit may dumukot sa kanya at nagising na lamang sa kwartong napapaligiran ng halos nakahubad ng mga kababaihan. Pero may lumigtas sa kanila sa kumunoy na kinasadlakan. Binigyan ng marangal na trabaho. Dinala sa private island para lang magulat sa nakita. Why? Ralph Allen Fourth Manrique is in front of her in flesh right after the chopper touch down the rooftop helipad. Paano ngayon haharapin ni Naila ang asawa kung ito mismo ang trainor nila? At paano kung malalaman niya mismo sa bibig nito na pinakiusapan lamang ito ng kanyang ama na pakasalan siya para iiwas sa isang syndicate leader na nanggigipit dito at siya ang hinihinging kapalit? Papayag ba siya sa hinihinging divorce ni Fourth para mapakasalan ang fiancee nito na walang iba kundi ang mortal niyang kaaway na dahilan kung bakit nagkahiwalay sila ng boyfriend niya?
Bad Blood: Spy Series 5 by Chrixiane22819
Bad Blood: Spy Series 5
Chrixiane22819
  • Reads 32
  • Votes 0
  • Parts 1
Bago binawian ng buhay ang Mommy ni Naomi may sinabi itong pangalan sa kanya. Ishmael. Tinatak niya iyon sa kanyang isipan. Nangako sa puntod ng kanyang ina na bibigyan niya ng hustisya ang pagkamatay nito at hahanapin ang kanyang ama. Nagsaliksik siya tungkol kay Ishmael ngunit wala siyang mahanap na anumang impormasyon maliban sa negosyanteng Lucio Durand. A Filipino-French businessman na huling kasama ng kanyang mga magulang, ang Uncle Theo at matalik na kaibigan ng Daddy niya, si Franco. Nakilala niya si Allen ng pasukin niya ang kuta ng mga ito. Ang kanang-kamay na tauhan ni Lucio. The man who made her heart race. She was there for revenge not for such whirlwind romance. But she can't help to submit herself to him with the fire of his touch. When she's about to leave Allen halted her. Nagimbal siya sa sinabi nito. Kapag pumasok sa lugar na pagmamay-ari ni Ishmael ay hindi na nakakalabas pang buhay. Ngayon; paano niya matatakasan ang kamatayan sa mga kamay ni Allen? Will she be able to give justice of her mom's death?