mhai-luv's Reading List
183 stories
Sa Habang Panahon - Rose Tan by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 7,629
  • WpVote
    Votes 142
  • WpPart
    Parts 10
Tigib ng romansa ang mga panaginip ni Timmy. Isang Spanish don ang kaulayaw niya... at walang patumangga ang pagpapaubaya niya ng buong katawan, puso, at kaluluwa sa lalaki - sa kabila ng katotohanang noon lang sila nagkita... Isang gabi, naisilip niya sa largabista ang isang guwapong lalaki sa bagong building di-kalayuan sa bahay nila. Si Rick - masungit, arogante, matangkad, mayaman, at guwapo. Ganoon na lamang ang kalabog sa dibdib na naramdaman niya sa una nilang pagkikilala, sa puntong kinailanganang magpanggap siyang pipi. Gayunpaman ay pilit niyang kinukumbinsi ang sariling hindi si Rick ang lalaki sa kanyang mga panaginip... Hanggang sa halikan siya nito nang marahas sa mga labi...
Now And For Always - Rose Tan by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 4,387
  • WpVote
    Votes 70
  • WpPart
    Parts 10
I love you, Pam. Ikaw lang ang mamahalin ko. Always, wika nito sa sarili at palihim na ibinukas ang nakakuyom na palad. Naroroon ang singsing ni Pam. Isang ordinaryong singsing na tila kawad lamang na kinortehan ng pangalan mismo ng may-ari. Muli nitong kinuyom ang palad; sa singsing ni Pam ay nangakong hindi na muling magmamahal. Walang katulad si Pam. Always, Pam. Always.
Julia - Amanda by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 9,272
  • WpVote
    Votes 131
  • WpPart
    Parts 10
"I love you, Julia. Then and now... wala akong ibang minahal kundi ang alaala mo. And now that you're back, I'll do everything to make you mine. Forever."
Suddenly - Rose Tan by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 6,764
  • WpVote
    Votes 172
  • WpPart
    Parts 8
Ling was very fond of her nieces. Kaya nang humingi ang mga ito sa kanya ng tulong na ihanap sila ng bagong mommy ay hindi siya nakatanggi. Ngunit hindi nagustuhan ni Rob, ang masungit niyang bayaw, ang paraang naisip niya kaya imbes na matuwa ay lalo pa itong nainis sa kanya At bakit hindi ito mainis? His face landed in one of the pages of a leading magazine as its "man of the month". Pinutakti tuloy ito ng mga women admirers. "You're supposed to be an adult, pero masahol ka pa sa bata! Sino'ng may sabi sa iyong pakialaman mo ang personal kong buhay!" galit nitong sabi sa kanya. Matapos ang insidenteng iyon, ipinangako ni Ling na hindi na muli siya makikialam sa buhay ng lalaki. Ngunit kung kailan wala na siya sa buhay nito ay saka naman siya nakatanggap ng marriage proposal mula rito. Na tinanggap naman niya!
Happy Anniversary - Elizabeth McBride by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 17,315
  • WpVote
    Votes 247
  • WpPart
    Parts 10
"Ang lakas ng loob mong mag-flirt, hindi mo naman pala kayang panindigan. Mang-aakit ka at pagkatapos ay hindi ka naman pala bibigay." It was Yvette and Craig's first wedding anniversary. Ngunit sa halip na mag-celebrate ay pareho silang nag-eempake. Maghihiwalay na sila. Napagbigyan na nila ang mga magulang na siyang nagkasundo para ipakasal sila. Hindi nila mahal ni Craig ang isa't isa. Bumalik si Yvette sa bahay ng mga magulang niya, wala na siyang pakialam sa sasabihin ng mga ito. But she was missing Craig everyday, at hindi niya iyon maintindihan. Inisip na lang niyang marahil ay nasanay lang siyang palagi itong nakikita araw-araw. Nami-miss din niya ang pagluluto ng pagkain para dito. Kinailangang pigilan ni Yvette ang sarili niyang salubungin si Craig ng yakap at halik nang minsang dumalaw ito sa kanya. Ngunit dinala lang pala nito ang asong alaga nila. Nabalitaan na lang niyang bigla na nagkikita ito at ang dati nitong girlfriend na si Alana. Hindi pala siya makakapayag na agawin ng ibang babae si Craig. She had to win him back. After all, asawa pa rin niya si Craig...
My Love My Hero : Regalario - Bianca Zarragosa by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 5,048
  • WpVote
    Votes 101
  • WpPart
    Parts 10
Si Alexander Regalario- he with the expressive eyes-ang isa sa mga instructors ni Joan sa eskuwela. Ang posibilidad na ito ay maging knight in shining armor niya ay hindi kaagad natupad. At nagdulot ng pait sa kanya. Pero sa mga panahong ito, lagi na y may isang good samaritan na umaalalay sa kanya. Hanggang sa masumpungan niya ang sariling kalaban, ang guwapong binata, sa larangan ng negosyo. At nang matalo siya... noon niya nakilala kung sino ang good samaritan na palaging sumasagip sa kanya...
Huwag Kang Mangako - Rose Tan by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 9,689
  • WpVote
    Votes 226
  • WpPart
    Parts 10
Probinsyanang masahista si Adriana. Mukhang walang alam sa mundo. Pero mayroon siyang abilidad, dahilan para tanggapin niya ang mungkahing isa niyang customer. Kakaibang trabaho ngunit masisigurado ang kinabukasan niya kung magagawa niya. Kailangang akitin niya si Tristan, dapat gawing lalaki ito dahil may puso itong babae. Ngunit paano niya aakitin ito gayong napakailap nito? Ni hindi niya ito mahawakan! Isa pa, nakokonsiyensiya na siya dahil napakabait naman nito sa kanya. He changed her life and she was more than grateful. Subalit kailangan niyang maisagawa ang misyon, dahil nahuhulog na ang loob niya rito. Dapat na talaga niyang gawing tunay na lalaki ito para hindi naman siya kilabutan kapag iniilusyon niya ito... Pero paano na ngayong natuklasan niyang lalaking-lalaki pala si Tristan?
Somewhere In My Heart - Rose Tan by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 7,406
  • WpVote
    Votes 149
  • WpPart
    Parts 9
Femi was crazy about Aaron. Aaron hated her guts. That was yesterday. Ngayon ay iba na ang nasa isip ni Aaron. Puwede pa raw kaya siyang ligawan nito? Hindi ito makapaniwala na ang galawgaw at makulit na dalaga noon ay isa nang matimtimang madre! Nagpursigi pa rin ito sa panliligaw sa kanya. Sa halip na maalarma sa makahulugan at malagkit na sulyap ni Aaron sa kanya ay kinilig pa siya. Hindi naman kasi siya totoong madre. Feel na feel pa niya ang pagpapanggap. Wala siyang kamalay-malay na matagal na pala siyang buking ni Aaron.
The Don's Boys (Rodrigo) - Vanessa by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 25,283
  • WpVote
    Votes 323
  • WpPart
    Parts 16
Alam ni Teresa na isa lamang ang gusto ni Rodrigo sa kanya: ang umalis uli siya sa bayang kinalakhan niya. She hated his guts even if it only took a stare from him and her knees would feel weak and butterflies would start flying in her stomaeh. Ngunit isang malaking pagkakamali iyon, lalo na at nobyo ito ng kanyang kapatid...
My Love, My Hero: Heero - Sonia Francesca by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 5,656
  • WpVote
    Votes 116
  • WpPart
    Parts 10
Nanganganib ang buhay ni Marron. Saksi siya sa pagkamatay ng isang kongresista. Dahil doon ay kinailangan niyang magtago mula sa posibleng pagsalakay ng mga salarin na nakakilala sa kanya. On the rescue naman ang kanyang Yaya Caring. Ipinrisinta nito ang lugar ng kapatid sa Tondo. Doon nakilala ni Marron ang magiting na barangay chairman na si Heero. Kahit antipatiko at walang modo ang impresyong ibinigay nito sa kanya, mukha namang gustong-gusto at mahal na mahal ang binata ng mga nasasakupan nito. Pero mukhang ayaw ni Heero sa kanya at sa pagtigil niya roon. Ngunit walang choice si Marron. Ayon sa yaya niya, si Heero lamang ang maaaring makatulong sa kanya kaya kailangan niyang pakisamahan ito nang mabuti. At sa kabila ng iritasyon, hindi napigil ni Marron ang sariling humanga kay Heero. Ramdam na ramdam niya ang pagsikdo ng kanyang puso tuwing pagmamasdan siya ng deep-set na mga mata nito na tumatagos kung tumitig.