The forgotten moment of a thousand years (Filipino)
SeoSune
"Gumising ka, Elise! Elise! Elise!"
Ang tunay na pag-ibig ay kusang bumabalik kasabay ng mga alaala na binura ng tadhana. Ito ay kwento ni Alexander Finoria, ang prinsipe ng Finoria, isang kaharian ng mga Elves. Ang kanyang nais ay magkaroon ng magandang ugnayan sa pagitan ng mga Elves at mga tao, kaya naglakbay siya mula sa lupain ng mga tao upang makipagkasundo. Pagkatapos ng kanyang paglalakbay mula sa lupain ng mga tao, ang kanyang pananabik na makasama ang kanyang minamahal ay napalitan ng pangungulila sa isang tao na hindi niya maalala. Hinanap niya ang sagot sa nawawalang puwang sa kanyang puso. Sa kanyang paghahanap, nakilala niya si Elise Casan, anak ng isang ministro sa bansang Kronatia. Matutulungan kaya ni Elise ang prinsipe na hanapin ang nawawalang bahagi ng kanyang buhay? Kwento ito ng pag-ibig, fantasya, pakikipagsapalaran, mahika, at politika na handog sa inyo. Nawa'y magustuhan ninyo ito, pindutin ang star, maglike at magcomment.
Ang kwentong ito ay Nasasakop ng Solluna collection ng inyong simpleng tagasulat, Seo Sune. Solluna ay isang mundong puno ng mahika ay pantasya. Mayroong Filipino at Ingles na bersyon ang aklat na ito.