Wiz's Stories Reading Marathon
5 stories
Si Ava at ang Mahiwagang Frog by wizligera
wizligera
  • WpView
    Reads 136
  • WpVote
    Votes 16
  • WpPart
    Parts 7
Once upon a time, may napakaganda ngunit malditang prinsesa na namuhay sa bansang Kyut-Kyut. Ang pangalan niya ay Ava Victoria Blackrose, ang bunsong anak ni Alfonso the Great. Nang dahil sa pamimilit ng Amang Hari na maipakasal siya sa lalaking hindi niya mahal, nagpasya siyang lisanin na ang kastilyo at mamuhay bilang commoner sa malayong lupain na ipinamana ng yumaong ina. Habang nasa kalagitnaan ng paglalayas, aksidente silang magkikita ni Finn, ang hopeless romantic at ideal man na sana kung hindi lang dahil sa isang kakatwang katangian. Engkanto man na biniyayayan ng kayamanan, sa kamalas-malasan ay ipinanganak naman siya na ang animal form ay palaka! Simula nang magkakilala ay paulit-ulit na naudlot ang biyahe ng dalaga. Naiinis man sa mga pangyayari, lihim naman siyang natutuwa sa kakyutan at pagiging sweet ni Finn. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, magaan ang loob niya rito na tila ba matagal na silang magkakilala. Marahil, naisip niya, destiny talaga ang naglapit sa kanila. Subalit, hahayaan kaya ng tadhana ang umuusbong na pag-iibigan ng dalawa? O maiiwan si Finn na luhaan kapag nagising si Ava sa katotohanan na sa fairy tale lang posibleng magkakatuluyan ang prinsesa at palaka? Abangan! Published April 6, 2023
Terrence: Ang Bidang Kontrabida (UNDER EDITING) by wizligera
wizligera
  • WpView
    Reads 31,729
  • WpVote
    Votes 1,941
  • WpPart
    Parts 51
Si Terrence ay isang anghel na nagmula sa kalangitan. Subalit, hindi siya ang inaakala ng nakararami na anghel. Siya ay itinapon sa lupa bilang kaparusahan dahil siya ay isang suwail. Pasaway. Salbahe. Maldito. Sikat siya bilang isang nilalang na hilig ang magbaon ng mga taong buhay pa. "Bad" daw talaga siya. Tsk. Tsk. Tsk. Ang hindi sumang-ayon, ibabaon niya sa ilalim ng lupa. Malaki ang galit niya sa sangkatauhan hanggang sa makatagpo niya ang isang maingay ngunit masayahin na babae. Si Annie ay napakabait na tao, ngunit lahat yata ng kamalasan ay nasalo niya mula sa kalangitan. Sa kabila ng lahat, siya ay positibo pa rin sa buhay. Sa di inaasahang pagkakataon, nagkita sila ni Terrence. Siya na ba ang makakapagpabago sa ugali, isipan at puso ng anghel na ito? Ang babae na ito ba ang kanyang magiging "Guardian Human"? Abangan. PAUNAWA: Ang istoryang ito ay produkto lamang ng aking imahinasyon at hindi kailan man kumokontra sa sinasabi ng Bibliya. FICTION po ito. Pulutin at isabuhay ang mga magagandang "life lessons" na nakapaloob dito para "good vibes". Sana ay subaybayan niyo pa rin ang kakaibang mga kwento ni Terrence, ang pasaway na anghel at ni Annie, ang napakabuting tao. Maraming salamat! Book cover exclusive to wizvisionary, artwork by Ms. Sirikit Secretatio. Story started December 23, 2018
Aswang Hunters Series: Spartan by wizligera
wizligera
  • WpView
    Reads 2,951
  • WpVote
    Votes 215
  • WpPart
    Parts 40
Si Spartan Dimatinag ay isang simple at pusong-mamon na binatang nagmula sa 'di asensadong probinsya ng Boh-Piz. Salat man sa buhay, masaya naman siya lalo na kapag nagme-makeup ng mga sumakabilang-buhay na sa funeral parlor na pag-aari ng Tita Cleopatra niya. Isang araw, nang mapag-alaman ng mga kapatid at magulang ang sideline niya sa punerarya, ipinagtabuyan siya ng mga ito. Hindi nila matanggap na nagme-makeup at nangungulot ng buhok ang kadugo lalo na at tanyag ang mga kalalakihang Dimatinag bilang mga astig at malulupit na aswang hunters sa lugar. Dahil sa wala ng mapupuntahan, 'di sinasadyang napadpad siya sa siyudad ng Tuk-O. Habang nagdadalamhati sa ilalim ng ulan, hindi niya inaasahan na makikita muli ang dating kaklase na si Delilah, ang ubod ng ganda pero may pagkabruskong dalaga na nagmula sa pamilyang Catacutan. Sa muling pagkikita pala ay magsisimula ang one-of-a-kind adventures ng soft-hearted na si Spartan at mala-warrior princess na si Delilah laban sa mga aswang at iba pa. Malalagpasan kaya nila ang mga nakakalokang challenges along the way? Aba, basahin niyo na lang, mga besh! Originally published at FB Page, Author Wiz. Published in Wattpad: March 26, 2022.
Pablo by wizligera
wizligera
  • WpView
    Reads 2,325
  • WpVote
    Votes 157
  • WpPart
    Parts 49
Taong 1962, ang panahong namamayagpag sina Amalia Fuentes at Gloria Romero ng Sampaguita Pictures, may isang kakatwang pari na nanilbihan sa parokya ng San Nicolas. Ang pangalan niya ay Pablo at kilala siya dahil sa angking katapangan na kahit mismong diablo pa ang makaharap, pagtatawanan pa niya. Mabuti man ang hangarin ay nananatili siyang misteryo sa mga taong nakakasalamuha. Maging ang mga kapwa pari ay pinangingilagan siya at pinagdududahan pa kung tunay ba siyang Alagad ng Diyos. Ang mga kababaihan naman ay nahuhumaling sa kanyang karisma kaya makailang beses nang nanganib na maitakwil ng Simbahan. Tunay nga ba na may kakaiba sa paring ito? O katulad lang din siya ng mga taong nahusgahan na kaagad nang hindi man lang kinilala muna? Originally posted at FB Page, Author Wiz Wattpad published April 12, 2022.
Semira Boys Series: Uno Emir (Completed) by wizligera
wizligera
  • WpView
    Reads 8,200
  • WpVote
    Votes 495
  • WpPart
    Parts 28
Semira Boys Series: Uno Emir Tunghayan ang mala-extraterrestrial love story nina Uno at Alfa na pang-out of this world ang datingan. Dahil sa pangitain ng mapupungay na mga mata at maalindog na katawan ng binata, aksidenteng nabangga sa tore ng kuryente ang spaceship ni Alfa, isang alien na nagmula pa sa Galaxy 100,000,007. Simula noon ay naniwala at umasa siya na ang Earthling ang kanyang destiny. Handa siyang dumayo mula kalawakan hanggang sa Pilipinas para lamang mahanap ang one true love niya. Eepekto kaya ang pagpapa-charming ni Miss Alien sa choosy at slightly bitter na si Uno? Abangan! Babala: SPG-SAWI. STRIKTONG PATNUBAY at GABAY sa mga SAWI sa pag-ibig ay kinakailangan. Baka maka-relate kayo kay Fafa Uno na sadyang malas sa love life pero kalma lang, imbis na paiyakin e patatawanin pa niya kayo. Semira Boys Series: Uno Emir Date Started: January 25, 2020 Date Completed: February 18, 2020 Edited: April 2020 April 19, 2022